Advertisers
PINARANGALAN ng Southeast Asian Games Federation ang dating sprint queen Lydia de Vega bago ang kanilang meeting Martes sa National Olympic Committee sa Thailand Building sa Bangkok.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, ay ipinalabas ang video tribute para kay De Vega bago ang kanilang meeting.
Si De Vega ay pumanaw nakaraang Agosto 10 matapos ang 4 na taon na pakipaglaban sa breast cancer.
Ang bantog na Asia’s fastest woman,De Vega ay nagwagi ng 9 na gintong medalya sa Southeast Asian Games.Ang kanyang personal best na 11.28 seconds ay tumagal ng 33 taon bago nabasag ni Kristina Knott sa 2020.
Huli siyang nakita sa publiko sa opening ng 2019 Southeast Asian Games sa Pilipinas.
“She fought the very good fight and is now at peace,” Wika ng anak ni De Vega volleyball player Stephanie Mercado-de Koenigswarter.
Ang labi ni De Vega ay nakahimlay sa kanyang hometown sa Meycauyan,Bulacan.
Si Tolentino ay kasalukuyang nasa Bangkok para sa SEA Games Federation’s first meeting tungkol sa pag host na Cambodia sa biennial event sa susunod na taon.Ang 32nd SEA Games ay gaganapin mula Mayo 5 hanggang 16, sa Cambodia.