Advertisers
WAGI ng silver medals sa apat na kategorya saChess competition ang pride ng Mandaluyong City na si ANCIS CHING. Idinaos ang nilahukan niyang international competition ng 11th ASEAN Para Games sa Surakarta, Indonesia kung saan nagbitbit siya ng silvermedals sa Men’s B1 Standard Chess Individual, Men’s B1 Blitz Chess
Individual, Men’s B1 Standard Chess Team at Men’s Blitz Chess Team.
Ibinida ni current Mandaluyong City Mayor BENJAMINS. ABALOS, SR. ang bagong dangal ng Mandalenyo na nagmula sa barangayHulo. Isang inspirasyon ang husay ng batang chess player dahil hindinaging hadlang ang visual disability nito para makapagbulsa ng medalyaat makapagbigay ng karangalan hindi lang sa lungsod ng Mandaluyong kundi sa Pilipinas. Sabi ng chief executive na eversince ay isang Sportsman, {champion golfer} at Sports patron, ‘Mabuhay ka Mandalenyo,Congratulations sa iyo!.’
For a throwback, si dating Judge BENJAMIN S. ABALOS,SR. ang unang public servant mula sa ABALOS clan na tinawag ng inyong lingkod na ‘FATHER OF MODERN MANDALUYONG’. Siya po ang nagpasimula ngpag-unlad ng isang dating maliit na bayan na sa kanyang termino mula1986-1987, 1988-1992, 1995-1998, from a boomtown to a honeybee ofinvestors, lumago at naging ganap na siyudad noong Pebrero 10, 1994.
Humalili ang anak niyang si BENJAMIN “BENHUR’ABALOS, JR. at naging pamoso ang lungsod bilang ‘TIGER CITY’ dahilparang tigre sa paglago ng ekonomiya at kaunlaran. Itinuloy ngmaybahay niyang si ex-Mayor CARMELITA ‘MENCHIE’ AGUILAR-ABALOS ang liderato as chief executive. DILG Secretary na ngayon ni Atty. BENHUR at Vice-Mayor naman si ex-Mayor MENCHIE. Sa liderato nila, patuloy angsuporta sa City Sports thru Mandaluyong Sports Development Office spearheaded by ex-Councilor NOEL BERNARDO, anak ni dating PBA veteran at Olympian NARCISO ‘CISO’ BERNARDO.
Sa nagdaang mga termino ng ABALOS public servants,katuwang ang iba pang city officials with Congressman NEPTALI GONZALES at wife Cong. QUEENIE PAHATI-GONZALES, lahat ng isport para sa lahat ay tinutukan kabilang ang Inter-City Department Sports at Barangay Sports o grassroot level katuwang ang Mandalenyo athletes topped byex-PBA players na Mandalenyo sa training ng kabataan.
Nababanggit po natin ang ugat ng development nanakikita nang malinaw sa ngayon kahit dumaan tayo sa pandemic period sa loob ng tatlong taon na nagsisimula pang bumangon ulit. Sa ngayon ay nakatayo at under construction ang Mandaluyong Colosseum o makabagong Sports Center at multipurpose building mula sa dating
Mandaluyong Gymnasium. Sa Mandaluyong Gym po nagsimula si boxing icon turned senator MANNY ‘PACMAN’ PACQUIAO at nakilala sa mga international boxing competitions na proyekto ng mayor noon, si JudgeBEN ABALOS.
Sa isang sports event ng Palarong Pambansa sa termino naman ni Mayor BENHUR ABALOS ay nakasama ang inyong lingkod sa PANAADStadium sa BACOLOD thru ‘BATANG PINOY’ sports program at naka-house or billeted ang delegasyon namin sa BAGO CITY sa Negros kung saan unang nanggaling si PACQUIAO, na natuklasan ni Mayor BEN, isinama sa Mandaluyong Gym sa kanyang teen years, isang ‘payatot’ pero super lakas na batang boksingero. Ayon po yan sa sources mula sa BAGO CITYat MANDALUYONG.
Well, hindi po tayo nagtataka na patuloy at nadadagdagan ang magagaling na athletes sa lungsod na ito at hindi rin po surprising to see na babalik ang international boxing projects, hopefully, sa pagbalik ni Mayor BEN ABALOS, SR. sa mayoral seat. KUDOSpo at saludo sa Lungsod ng Mandaluyong na patuloy rin sa pag-ani ng awards, pampamahalaan at pang-sports man. CONGRATS! Sabi nga ng popular line ngayon, ‘SANA ALL.’