Advertisers

Advertisers

Dapat dinidinig ang ‘violations’ ng driver sa ‘non contact apprehension policy’

0 235

Advertisers

DAPAT ipatigil ng korte sa mga local government unit na nagpapatupad ng ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP) dahil napakaraming butas ang polisiyang ito at ang kumikita rito ng malaki ay ang private company.

Oo! Kapag nagtuloy-tuloy at lumawak pa ang pagpapatupad ng NCAP, posibleng maubos ang public transport dahil sa laki ng multa kahit resonable ang “paglabag” kuno na nakunan ng CCTV cameras.

Mantakin mo, P3,000 ang multa sa mga paglabag kuno sa trapiko, tapos may penalty na P150 kada buwan sa hindi mo agad pagbayad ng multa. Eh kadalasan bago ka makatanggap ng notice sa iyong mga paglabag kuno ay maraming buwan na ang nakalipas. Kung minsan makikita mo nalang ang mga paglabag at ang laki ng babayaran mo kapag nag-renew ka na ng rehistro ng sasakyan, kungsaan nasa P5K hanggang P10K na ang babayaran mo. Fuck! Paano kung wala kang ganito kalaking halaga? Eh ‘di mo mare-renew ang rehistro ng sasakyan mo. Hindi ka ngayon makakapagbiyahe!



Maraming problema rito sa NCAP. Halimbawa: Nakabara ang sinusundan mong sasakyan, siempre mapipilitan kang mag-swerving para makaabante. Naabutan ka ng red light (stop) sa gitna ng intersection dahil mabagal ang mga sinusundan mo. Nag-u-turn ka sa bawal para makaiwas sa trapik dahil mahuhuli ka sa trabaho o sa miting. Hindi alam ng CCTV cameras ang mga kasong ito. Tapos makikita mo nalang ang violations mo at ang laki ng babayaran pag-renew ng rehistro. Animal!

Okey sana itong NCAP, iwas kotong. Pero dapat bago pagmultahin ang violator ay dapat marinig din ang kanyang panig o rason kung bakit lumabag sa batas trapiko. Tulad sa Estados Unidos, dinidinig sa korte ang kaso ng isang violator. Tapos kapag resonable ang nagawang paglabag ay pinatatawad. May punto pa nga na binibigyan ng Judge ng ayuda ang akusado dahil sa nakakaawa nitong mga rason kaya nalabag ang batas trapiko. Ang Judge ay mayroong foundation na nagbibigay ng ayuda sa driver na may kaawa-awang kalagayan.

Itong NCAP ay private company ang nagpapatupad nito. Maliit lang ang share dito ng LGU. Sabi, 70-30 ang sharing. Seventy percent ang sa private company.

Ang mga lungsod na nagpapatupad ng NCAP ay ang Manila, Quezon, Paranaque, Valenzuela at Muntinlupa.

Ang Land Transportation Office (LTO) ay pabor sa petition ng transport groups na suspendihin muna ang pagpapatupad ng NCAP at pag-aralan ang mga butas nito.



Sinabi rin ni LTO Chief, Atty. Teofilo Guadiz, na maaring makapag-renew ng rehistro ng sasakyan nang hindi kailangang bayaran ang multa sa NCAP. Tama lang! Kasi nga wala namang kinalaman ang LTO dito sa NCAP. Private company ang nasa likod nito eh!

***

Sang-ayon ako rito sa itinutulak ng MMDA na gawin nang censor ang traffic lights. Yun bang nagpapalit lang ng signal lights kung marami nang nakabarang sasakyan sa isang banda ng kalsada. Ibig sabihin, sa kalyeng mas maraming sasakyan ay mas matagal ang “Go” ayon sa abot ng censor ng signal lights.

Sabi ng MMDA, isang bilyong piso ang kailangang pondo para maipatupad ito, kapalit ng may de numerong signal lights. Aprub!