Advertisers
Pinuri ng Kapangan municipal government sa Benguet province ang Energy China’s project department dahil sa mabilis na pagkilos at high work efficiency na makatulong sa mga nasalanta ng magnitude 7 na lindol na tumama sa hilagang Luzon noong Hulyo 27.
Lingid sa kaalaman ng marami, ang project department ng Energy China na gumagawa ng Kapangan hydropower plant sa Kapangan, Benguet ay tumulong sa emergency rescue at relief operations pagkatapos ng mapinsalang lindol.
Ang China Energy Engineering Group Guangxi Hydroelectric Construction Bureau Co. Ltd. ay agarang nagpadala ng mga heavy equipment, mga personnel and supplies upang tumulong sa rescue and relief activities lalo na sa mga kalsada na naapektuhan ng pagguho ng lupa.
Naging katuwang ng local governments ang Energy China sa paglikas at pagtanggal ng mga gumuhong lupa sa loob ng dalawang araw.
Naramdaman ang mapaminsalang lindol sa mismong lugar kung saan ginagawa ang Kapangan hydropower plant project na 120 kilometers mula sa epicenter ng lindol sa Abra province.
Dahil dito, agarang inilikas ang mga personnel ng project at mga machinery department ng Energy China sa ligtas na lugar upang makaaiwas sa posibleng malakas ng aftershocks. (DS)