Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SA labis na kaligayahan na nadama ni Coco Martin sa super lakas ng finale ng kanyang 7 years long serye, ang “FPJ’s Ang Probinsiyano’ dahil sa pagtatapos nito ay nakakakuha ng pinakamataas na ratings na umabot sa 47.2% sa free TV at kasabay ang 536,543 concurrent live views sa mga online platforms ng Kapamilya network.
Sa sobrang inspired ni Coco ay naging ganado siya sa ‘Ang Pasasalamat Mall Show’ na iikot sa buong Pilipinas.
Sa ngayon ay maugong na Book 2 ng FPJAP ang nakatakdang gawin ni Coco dahil sa buhay si Cardo Dalisay sa ending ay request ng kanyang avid followers na sana ay tumukoy naman sa buhay may-asawa ni Cardo sa part two.
Pero may tsika rin na malamang ay itutuloy na muna ni Coco ang naudlot na pagtatambal nila ni Maricel Soriano sa ‘Batang Quiapo’ na inaakala na papalit noon sa FPJAP pero nagtuluy-tuloy ang extension ng Ang Probinsyano na tumakbo pa ng 7 years.
“Honestly, hindi ko pa alam. Siguro after ng mga tour, ng mga mall shows, dahil meron pa kaming US tour, saka namin pag-uusapan kung ano ‘yung next,” say ni Coco.
Pero kung si Coco ang masusunod which is not impossible, ano ang feel niyang gawin, ang part 2 ng FPJAP o ang Batang Quiapo nila ni Maricel?
“Hindi ko pa alam. Nakarating na sa akin ‘yun. Pero para sa akin, management ang magde-desisyon. Kasi, basta kung ano sa alam ko ‘yung makakapagpasaya sa mga manonood, doon tayo,” dagdag na say ni Coco.
***
MUKHANG inosente pero tatahi-tahimik man ay nasa likod ang kulo ni Christine Bermas. Yan ang role na bagong ginampanan ni Christine para sa thriller movie na “Lampas Langit” na kasama sina Chloe Jenna, Baron Geisler, Ricky Davao, Ivan Padilla, Milana Ikemoto, and Quinn Carrillo simula sa August 19 sa lahat ng Vivamax Apps.
Sa direksyon ni Jeffrey Hidalgo, dating member ng grupong Smokey Mountain.
“Ang story po kasi ng ‘Lampas Langit’ is about manipulation and it will be revealed later on na yung character ko, na akala ng mga tao’y tatahi-tahimik lang, is a scheming manipulator with her own designs on the other characters. It’s more of an acting piece,” say ni Christine.
First time for Christine lumabas sa bagong movie niyang ‘Lampas Langit’ na may daring scenes siya sa kapwa niya babae. At isa pang first para kay Christine ay ang makatrabaho sa unang pagkakataon ang beteranong aktor na si Ricky Davao.
“I’m very thankful na nakatrabaho ko si Sir Ricky kasi napakaraming advice ang ibinigay niya sa’kin. He has no airs and really helped me in our scenes together. He even shared with me some methods in acting. He really treated me like a real daughter. Hindi siya madamot na aktor, very considerate siya, lalo at alam niyang baguhan ka,” dagdag na say ni Christine.