Advertisers

Advertisers

KSMBPI DI LANG PANG-BROADCASTERS, PANG- SOCIAL MEDIA PERSONALITIES DIN

0 793

Advertisers

HINDI lang pala Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas (KBP) ang mayroon tayo kundi maging Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Incorporated (KSMBPI) ay naitatag na rin.
Hindi lang ang mga broadcasters ang miyembro nito kundi pati ang mga social media personalities.
Kamakailan ay humarap sa entertainment press ang founding Chairman ng KSMBPI na si Dr. Michael Aragon upang ihayag ang layunin ng organisasyon at iba pang impormasyon hinggil dito.
“What is the purpose of KSMBPI? Aside from the merging or converging platforms ng communication, gusto rin naming i-merge ‘yung traditional reporters, practitioners of traditional media sa TV at radyo, at isama sila doon sa mga bloggers.
“Mga TikTokers, ‘yung mga streamers basically. Ang tawag namin sa kanila ay mga community broadcasters,” tsika ni Dr. Aragon na isa rin palang filmmaker.
“We would like to encourage them by training them the basic skills of how to report news since what they’re doing basically sa blogs nila is really communicating,” ani Dr. Aragon.
Dagdag ni Dr. Aragon, plano nilang magkaroon ng 1-2 million na miyembro sa buong bansa na sasanayin nila nang libre.
“We would like to train aspiring community bloggers, broadcasters na walang formal university sa mas communication for free. After that, we will give them diploma and certifications,” dagdag pa niya.
Diniin din ni Dr. Aragon na ang KSMBPI ay isang non-profit organization na itinatag noong 2017 na sa ngayon ay lumalaki pa dahil sa pagdami ng members at mga nagawa na nilang proyekto.
Binigyang linaw pa ni Doc Michael, ang KSMBPI ay nahahati sa dalawang division – Broadcast/Print and Film. Nakatutuwa na nakagawa na raw sila ng isang independent film, ang Umbra na naipalabas na internationally at nanalo pa ng awards.
“Napaka-swerte namin because last month, one of the films ng KSMBPI na prinodyus, naging participant sa international filmfests and we won,” pagmamalaki ni Doc.
Nanalo raw ng dalawang Best Director award si Umbra director Jeremy Palma sa dalawang international filmfests sa India, ang Venus International Film Festival 2022 at Roshani International Film Festival 2022.
Yun daw ang naging motivation kaya mas ginanahan silang magprodyus ng movie at palawakin/patatagin pa ang KSMBPI.
Anunsyo rin ni Doc Aragon, sa mga gustong maging member at malaman ang ibang detalye sa KSMBI, puntahan lang ang website na Para sa mga nais maging miyembro or malaman ang iba pang detalye, pumunta sa www.socmed broadcasters.org.
Mula pa kay Doc Aragon, panuorin daw ang kanilang radio show na napapanuod din sa Youtube.(BLESSIE K. CIRERA)