Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
GAGANAPIN ang simula ng 7th Inding-Indie Film Festival sa Gateway Cineplex Cinema sa August 22, 2022. Susundan ito sa SM Cinema Bacoor naman sa September 26, 2022 at sa Metropolitan Theater sa Maynila sa August 30, 2022.
Nabanggit ng executive producer nitong si Direk Ryan Manuel Favis kung paano ito nagsimula.
Aniya, “Nag-start kami noong 2014 with advocacy speaker German Moreno and also founder and president Ron Sapinoso at ako ang executive producer mismo na ngayon ay talent manager ni CJ Salonga under Star Cinema of ABS-CBN. Ilang taon na kaming naglalabas ng mga short film sa bansa sa iba’t ibang venues gaya ng lumang theater, sinehan at private hotel dahil sa kawalan ng malaking suporta na financial.
“Maraming pagsubok na pinagdadaanan ang management pero marami na itong nabigyan ng parangal gaya nina Alden Richards, Gloria Romero, Susan Roces, Mike Enriquez, Mav Gonzales, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Charo Santos Concio, Nora Aunor, Angel Locsin, Sanya Lopez at marami pang iba.”
Saad pa ni Direk Ryan, “Ngayong August 22, 2022 ay magkakaroon ng 7th Inding Indie special edition sa Gateway cinema 1 upang mapanood ang mga bagong short films at masaksihan ang magagandang programa na inihanda ng Inding Indie kasama ang mga aspiring talents.”
Mapapanood dito ang mga baguhang artista ng Inding-Indie management sa ilalim ng talent manager and direktor na si Favis. Kabilang sa mga artists ay sina MJ Cardenas, Gian Maamo, Rex Gwangcha, Krysia Barela, Renzie Liboon, Kyle Maamo, Romenissa Pardilla, Kim EJ Maamo, Antonette Leviste, Michael Justine, Azaleia Viernes, Ron Medina, Jan Austin Gui, Jan Albert Gui, Paula Ronquilo Macels, Fitzerald Friginal Kalumbayan, Ysabella Orandain, Charice Anne Toradio, Jazhmine Escabusa, Criselle Alona Montanez, Benjamin Jacobos Gooijer, Princess Balbin, at Clark Samartino.
Tampok din sa mga sumusuportang celebrity dito na sina Pilar Pilapil, Lou Veloso, Archie Adamos, Jiro Manio na nakasama at naidirek ni Favis at Ron Sapinoso sa pelikulang Moonlight Flowers at ang huli ay itong taon lang with Keanna Reeves sa pelikulang Elijah na pinagbidahan ni Rex Gwangcha.
Ang mga short films na mapapanood dito ay: Ang Kapanglawan ni Tatay, Sleeping Beauty and The Beast, Up and Down, Bola, Seamanloloko, Nang Sumikat ang Araw sa Gabing Madilim, Ezra, Titik Himig Tinig, Strong Weak Guy, Dark Kaleidoscope, Electric, Heartbeat, Kalumbayan, Hay Naku, at Hukay
Ang mga istorya na nakapaloob sa bawat pelikula ay may temang biblical, buhay ng tao, pilosopikal at kultura na may sining. Sumasalamin sa kasaysayan ng bayan at importanteng kaganapan sa lipunan.
Ginawa ni Direk Favis ang proyekto na ito upang matulungan ang mga aspiring artist na walang kapasidad na lumabas sa mainstream media. Ito ang kanilang stepping-stone para maging maayos ang kanilang pagtahak sa karerang pangarap nila sa mundo ng showbiz.