Advertisers

Advertisers

Angelica nagtapat, manganganak na pero ‘di pa ready maging ina

0 341

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ILANG linggo na lang ay manganganak na si Angelica Panganiban.  Pero ayon sa aktres, hindi pa siya handa na maging ina. Ito ang sinabi niya nang mag-guest siya sa YouTube vlog ng kaibigan na si Camille Prats.
Sabi ni Angelica,”Hindi ko talaga alam kung handa na ba ako. Bumuo kami ng baby mga one year until na-bless talaga kaming mangyari na siya, ‘di ba?
“Nu’ng nangyari na siya, akala mo prepared ka. Totoo pala talaga ‘yung sinasabi ng lahat na akala mo prepared ka pero hindi,” aniya pa.
Sa pagbubuntis ni Angelica, sinabi niya na may mga gabi na umiiyak na lang siya.
“Nakakabaliw siya. May mga nights or days na umiiyak na lang ako. Minsan masaya ‘yung iyak, minsan talagang ‘Ginagawa ko naman lahat, bakit ang hirap?’”
Tanong ni Camille, ano ang ginagawa ni Angelica kapag nakakaramdam siya ng mga ganu’ng klaseng emosyon at kung paano niya ito hina-handle.
Sagot ni Angelica,”Alam ko naman na lilipas din siya. Hinahayaan ko naman ‘yung emotions ko na mag-come and go, but I don’t serve them tea. Huwag mong patambayin ‘yung emosyon, huwag kayo mag-inuman,”
Kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa kanyang live-in partner na si Gregg Homan.
“Sobrang supportive naman niya. Nandiyan lang siya. Lagi siyang nagtatanong kung ano ang magagawa niya para gumaan ang pakiramdam ko,” papuri ni Angelica kay Gregg.
***
NATUTUWA kami para kay Richard Quan dahil hindi siya nawa walan ng proyekto. Paano naman kasi ay magaan siyang katrabaho, wala siyang attitude kaya paborito siyang kunin sa telebisyon at pelikula.
After mapanood sa seryeng He’s Into Her, hayan at may kasunod na agad siyang serye sa ABS-CBN, na Mars Ravelo’s Darna na bida si Jane de Leon bilang Narda/Darna. Gumaganap siya bilang si Rex Vanguardia, na mula sa planetang Marte.
Sa kalagitnaan pa ng fantaserye mapapanood si Richard.
Sa tanong kay Richard kung siya ba ang gumaganap na tatay ni Janella Salvador bilang si Valentina na isang taong ahas, na kung siya ba ay isang snake man, ang bitin na sagot niya ay,’Tawagin muna natin siyang mysterious Rex Vanguardia.”
Ano naman ang masasabi niya kay Jane bilang si Darna?
“First time kong na-meet si Jane noong story conference nito. I know she is also excited and pressured at the same time. It’s a big responsibility. Kailangan niya ng support from all of us, na mga co- actors niya.”
Kung may mga nagsasabi na hindi bagay si Jane para sa iconic role, para naman kay Richard ay bagay si Jane bilang si Darna.
“Yes, bagay na maging Darna si Jane.”
Marami nang gumanap na Darna sa telebisyon at pelikula. Sino ang unang Darna na inabutan niya o unang napanood?
“Well, ang Darna ko of course is si Miss Rio (Locsin, na kasama rin sa Darna), Anjanette Agbayari at saka si Nanette Medved,”
Ang Darna ay napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa A2Z, Kapamilya channel at TV5,8pm.