Advertisers

Advertisers

Janelle game sa romansahan sa kapwa bebot

0 301

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

ISA na namang mapangahas na Janelle Tee (“Kinsenas, Katapusan”, “Putahe”, “Secrets”) ang mapapanood sa pelikulang “The Escort Wife” na palabas na sa Vivamax simula sa Setyembre 16.
Sa obrang ito na idinirehe ni Paul Basinillo, ginagampanan niya ang papel ni Patricia, isang bored housewife na gustong makaranas ng kakaibang adventure.
Dahil sa laging napag-iisa sa bahay, matutukso siyang panoorin ang pakikipagtalik ni Chrissy, ang kapitbahay niyang babae na isang prostitute, sa iba’t ibang lalake.
Magiging matindi ang interes niya kay Chrissy, isang high class escort girl na binibigyang-buhay ni Ava Mendez.
Sa kanyang pagmamasid kay Chrissy, hindi niya namamalayan na unti-unti ay niyayakap na niya ang mundo nito lalo pa’t isa sa mga kliyente pala nito ay ang kanyang asawang si Roy na ginagampanan ni Raymond Bagatsing.
Sa “The Escort Wife” maraming sex scenes si Janelle hindi lang kay Raymond kundi pati sa kabarong si Ava.
Ani Janelle, hindi raw naman isyu sa kanya ang paghuhubad dahil parte lamang ito ng kanyang trabaho.
More than the baring, malalim daw na karakter si Patricia at para sa kanya ay isa itong acting piece kaya raw tinanggap niya ito.
Keber na rin ang beauty queen sa mga bumabatikos sa kanyang ginagawang pagpapaseksi sa pelikula.
Tapos na raw naman ang reign niya bilang beauty queen at gusto raw naman niyang karerin ang pagiging magaling na aktres.
Bilang papel ng stalker ni Ava, nakaka-relate raw siya sa kanyang karakter sa tunay na buhay dahil ilang beses na rin siyang nai-stalk.
Pagdating daw naman sa kanyang mga naging ex, never daw niyang naranasang mang-stalk para na rin protektahan ang kanyang mental health.
Kumbaga, kahit daw siya iyong tipong martir sa pag-ibig, never na raw niyang binabalikan pa ang anumang bagay na nakalipas na para na rin madaling maka-move on.
Dagdag pa niya, hindi na rin bago sa kanya ang girl-to-girl sex scene dahil nagawa na niya ito sa pelikulang “Putahe.”
Ang The Escort Wife” ay isinulat at iprinudyus ng award-winning filmmaker, Yam Laranas.
Ngayon pa lang ay mainit na ang pagtanggap ng mga fans ni Janelle sa pelikulang ito.
Maraming positive comments sa Instagram post ng aktres noong July 3 na makikitang nakayakap sa kanya si Raymond.
Ganon din ang buhos ng suporta sa solo picture niya bilang Patricia na lumabas sa IG noong July 5.
Ito ang ikalawang pelikulang idinirek ni Paul Basinillo matapos ang musical drama movie na “Indak”.
Kilala si Direk Paul sa mga concert at TV series na idinirek niya sa ilalim ng Viva. Ipalalabas na ang “The Escort Wife” sa Vivamax sa September 16, 2022.