Advertisers

Advertisers

Mikee nagpasalamat sa yumaong Cherie Gil; Misis, ipinagpalit ni mister sa kapwa lalaki sa Magpakailanman

0 271

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

LALO pang gumaganda ang kuwento ng Lolong kaya naman parami pa nang parami ang tumututok dito gabi-gabi. Nitong Lunes nga ay talaga namang humataw sa ratings ang seryeng pinagbibidahan ni Ruru Madrid kahit na may bago pa itong katapat!
Umabot sa 17.3 percent ang combined NUTAM people rating ng Lolong noong Lunes (August 15) base sa overnight data ng Nielsen Phils. TAM. Malayo ito sa 10.5 percent combined people rating na nakuha naman ng katapat nitong programa.
At marami pang kaabang-abang na mga eksenang dapat tutukan gabi-gabi sa Lolong lalo pa’t magpaparamdam na ang mga Atubaw laban sa pang-aapi ng mga Banson!
Kilalanin din ang mga bagong karakter na ipakikilala sa Lolong sa bagong yugto nito: sina Vin Abrenica, Thea Tolentino, Alma Concepcion, Rafael Rosell, at Lucho Ayala.
Anu-ano kaya ang gagampanan nila sa buhay ni Lolong? Syempre pa, mas marami ring dapat abangan sa karakter nina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, at Paul Salas.
Ngayon ngang balik-Pinas na si Ruru, expect na mas marami pang paandar ang programa. Nitong weekend ay nagtungo sa Cebu ang Kapuso aktor kasama ang leading lady na si Shaira para sa isang Kapuso Mall Show.
Magiging bahagi rin ang Lolong sa Kadayawan Festival sa Davao sa weekend. Ang bestfriend naman ni Lolong na si Dakila, game na game rin sa pag-iikot sa buong bansa. Nagkaroon pa sila ng bonding ni Lolong nitong Lunes kung saan sumakay sila sa isang ultra light plane at lumipad sa ere. Saan kaya ang susunod na #DaksSpotted?
Mapapanood ang Lolong mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA at GTV.
***
INIHAYAG ni Mikee Quintos ang kanyang pasasalamat sa yumaong aktres na si Cherie Gil, na nag-iwan sa kanya ng mga aral sa pagiging artista.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Mikee ang ilan sa mga larawan at video ng mga proyekto na nakasama niya si Cherie, gaya ng hit series na “Onanay” at “Sirkus.”
“I remember my 19 year old self feeling intimidated by just her presence on the set. Seeing a woman wearing her wit with confidence can be overwhelming for some but she inspired me so much” caption ni Mikee sa kanyang post.
Sa Onanay, gumanap si Mikee bilang si Maila Matayog, na nakatikim din ng ‘saboy’ scene sa kontrabida role ni Cherie, na gumaganap bilang si Helena Montenegro.
“Working with @macherieamour twoconsecutive shows in a row (Sirkus & Onanay) made me realize what being a true actress really is. Her versatility and range really made me want to be like her,” anang Kapuso actress.
“I am honored to be one of the many lives you touched. And I’ll forever be grateful for the moments I shared with you, Ms. Cherie. Cheers for you,” dagdag ni Mikee.
Pumanaw na ang batikang aktres na si Cherie sa edad na 59.
Endometrial cancer ang ikinamatay ni Cherie, ayon sa pahayag ng pamilya na ipinost sa Instagram ng kanyang anak na si Raphael Eigenmann Rogoff.
Samantala, regular na napapanood si Mikee sa Apoy Sa Langit na super-taas palagi ang rating sa GMA.
***
KAKAIBANG kuwento ng mag-asawa ang tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang “My Husband’s Secret,” pakakasalan ni Ester (Max Collins) si Peter (Luis Hontiveros)— ang lalaking pinili ng kanyang ina para sa kanya.
Kalaunan, matututunan ni Ester na mahalin si Peter pero sadyang hindi ito masuklian ng lalaki.
Unti-unting maghihinala si Ester tungkol sa relasyon ni Peter sa kaibigang si Jude (Benedict Bryan).
Paano tatanggapin ni Ester ang lihim ng asawang si Peter?
Abangan ang kanilang kuwento sa brand new episode na “My Husband’s Secret,” August 20, 8:15 p.m. sa Magpakailanman o #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.