Advertisers
Muling nakapagtala ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), ng panibagong karangalan matapos makapaguwi ng Quill awards ang mga communication programs nito na “ Biyaheng South” at “Drayberks”.
Sa ginanap na virtual awarding ceremony ng 19th Philippine Quill Awards, ginawaran ng International Association of Business Communicators (IABC)Philippines ng Excellence Award para sa Communication Management Division sa ilalim ng kategoryang Marketing, Advertising, and Brand Communication ang “Biyaheng South”. Ang naturang programa ay aktibo sa iba’t ibang social channels gaya ng Facebook at TikTok sa pag-papakilala sa toll road network ng MPT South na Manila-Cavite Expressway (CAVITEX at CAVITEX C5 Link) at ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) bilang mga gateway patungo sa mga kagila-gilalas na tanawin at lugar sa mga probinsya ng Cavite at Laguna.
Ang Biyaheng South ay mayroon ng 20,000 combined followers mula sa dalawang platforms nito. Ito rin ay nakapagtala na ng mahigit sa isang milyong views sa TikTok at lifetime reach na 75,000 sa Facebook, na nakakatutulong sa pagpapataas sa vehicle traffic count sa expressways nito at nakatulong din sa pagpapalago ng turismo at ekonomiya sa mga nabangging na probinsya.
Bukod pa dito, ang social advocacy ng toll road company na “Drayberks” ay nakapaguwi rin ng Merit Award para sa Communication Management Division sa kategorya ng Community Relations. Simula pa taong 2020, patuloy ang Drayberks sa pagtipon sa mga motorista, key stakeholders, at mga residente sa mga komunidad sa NCR, Cavite, at Laguna para magsagawa ng road safety seminar na nagtuturo sa mga ito tungkol sa road safety features ng expressway maging ang tungkulin ng bawat isa sa pagpapanatili ng ligtas na daan para sa lahat.
Hindi rin nagpatinag ang Drayberks habang ipinatutupad ang COVID-19 restriction sa bansa na nagpigil sa pagsasagawa ng mga pagtitipon. Para maipatuloy ang layunin nitong bumuo ng mga road safety advocates, ang Drayberks ay binuo rin bilang isang digital program at isinagawa ito online taong 2021 habang pinapanatili ang interaksyon at interes ng mga kalahok nito. Dahil dito, patuloy ang pagbaba ng mga traffic incidents sa toll roads ng MPT South mula 2019 hanggang 2021 at nakatutulong din ito sa patuloy na pagkamit ng Zero Fatality simula pa taong 2017.
“Ang MPT South ay laging agresibo sa pakikipag-ugnayan sa mga motorista nito sa iba’t ibang klase ng pamamaraan at ang award na ito ay isang karangalan para sa amin. Isa itong pagganyak sa amin para gumalugad pa ng mas maraming paraan para makipag conmunicate ang aming mga customers at maipakilala ang aming expressway sa mas malikhaing pamamaraan,” ani Ms. Arlette Capistrano, Assistant Vice President for Communication and Stakeholder Management ng MPT South.
Ang Philippine Quill Awards ay ang pinka prestihiyosong awards program sa bansa para sa larangan ng business communication. Simula pa taong 1983 nang magsimula itong magbigay ng seal of approval sa mga mararangal na organisasyon at korporasyon sa bansa. Ngayong taon, umabot ng mahigit 800 entries ang natanggap nito, pinaka mataas sa kasaysayan ng Quill.
Ang MPTC ay ang pinaka malaking toll road builder at operator sa bansa. Bukod sa CAVITEX at CALAX, kabilang rin sa portfolio ng MPTC ang concessions para sa North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.