Advertisers

Advertisers

Nanitang pulis, bugbog-sarado sa 3 pasaway

0 272

Advertisers

BINUGBOG na, natangayan pa ng baril at cellphone ang isang pulis nang sitahin nito ang tatlong lalaki na magkakaangkas sa iisang motorsiklo sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Corporal Harold Tandayu, 29 anyos, nakatalaga sa nasabing bayan; at ang mga salarin ay kinilalang sina Basilio Lugo Jr., 45; Jayson Rico, 34; at Loyfrey Lugo, 39, pawang residente ng Tumauini.

Sa ulat ng Police Regional Office (PPO) 2, nagpapatrolya lulan ng motorsiklo si Tandayu nang mapansin niya ang tatlo na magkakaangkas sa isang motorsiklo na gumegewang sa Barangay Santa 10:00 ng gabi noong Martes.



Nilapitan ng pulis ang tatlo at sinita, pero sa halip na sumunod sa kanya ay kinuyog siya ng mga sinita. Tinangay din ang service firearm at cellphone ng pulis.

Sinurender ni Barangay Chairman Dionisio Guiyab sina Lugo at Rico sa Barangay Sinippil, habang nadakip si Loyfrey sa Barangay Santa.

Narekober din ang baril at cellphone ng pulis.

Sasampahan ng kasong robbery at direct assault ang mga salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">