PAL AT NAIA TINALAKAY POSIBLENG PAGBABAGO SA FLIGHT ASSIGNMENT
Advertisers
Pinag-aaralan ngayon ng Office Transportation Security (OTS) kung ang mga US flights ng Philippine Airlines ay dapat na magpatuloy sa Ninoy Aquino International airport (NAIA) Terminal 2.
Ito ay matapos ang isang ocular inspection na ginawa ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista kung saan inatasan niya si Manila International Airpot Authority (MIAA) General manager Cesar Chiong na ayusin ang operations sa NAIA terminal 2, partikular na ang congestion, lighting, signage at aircon.
Pinuna ng OTS na kasalukuyan ay isa lamang ang human screener na ginagamit, at ito lamang din ang pinapayagan ng US Transportation Security Administration (TSA). Ang metal walk thru detector ay inaalis na.
Napansin din umano na napakasikip na lalo na sa departure area kung saan umaabot sa labas ang mga pila ng pasahero kapag nagkakasabay-sabay ang mga flight.
Samantala, sinabi naman ni PAL spokesperson Ma. Cielo Villaluna na: “We are studying possible changes in the assignment of flights at NAIA terminals 1 and 2 to improve the overall passenger experience at our main domestic and international hub.”
Aniya, nakikipag-ugnayan ang PAL sa airport authorities ukol sa nasabing mga plano.
“We shall notify everyone once details are finalized. We remain committed to work with our aviation stakeholders in order to benefit the traveling public,” ayon kay Villaluna. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)