Advertisers
Ni BETH GELENA
NAGKAROON pala ng insidenteng naputukan ng ilang ugat sa mukha si Shaina Magdayao dahil sa isang maselan na eksena sa katatapos lang na actionserye na FPJs Ang Probinsyano.
Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ang kabuuang nangyari kamakailan lang.
Shaina played the role as Police Major Roxanne Opeña.
Nahuli ang grupo nilang Task Force Agila ng grupo nina John Arcilla at Raymond Bagatsing.
Sa eksena ay binugbog siya nang husto ni Raymond at saka ni-rape .
Pero, so far naman daw ang kanyang face ay fully healed na.
Ayon sa aktres, sa kanyang IG:.”That caused the popping of my blood vessels on the face.”
Aniya pa: “Swipe to the last slide to see my #ilovemyJob entry after our heavy scenes!!!”
Nag-express din ng gratitude sa lahat ng viewers na nanood at na-appreciate ang kanilang ginagawa as aetists.
Kahit anong mga sakit ang kanilang nararamdaman sa action scenes.— pagod, dugo, luha at pawis — ay worth naman daw dahil sa loob ng pitong taon ay hindi iniwan ng avid viewers ang FPJs AP hanggang sa huli.
“Kaya salamat po for appreciating our work and for making us trend on too. Sulit ang Pagod Pawis Puyat Luha dahil sa inyo!”
Samantala, nag-triple celebration ang actress kahapon na ibinahagi niya sa kanyang socmed.
Aniya: “Triple celebration yesterday — 25 years in the biz, 2 years network contract and 2 years Star Magic renewal.”
***
JANE DE LEON PINATUNAYAN KERI MAG-DARNA
Kahapon, August 19, opisyal nang lumipad si Darna (Jane de Leon).
Nagtransform na ang katauhan ni Narda as Pinoy heroine kung saan hinangaan ng netizens ang kanyang Darna costume.
Tama ang sinabi.ni Jane na panoorin muna ang Darna bago siya ibash.
Bagay sa actress ang Darna costume wherein she looks very stunning.
Ni-release ng Kapamilya ang opisyal poster ng Darna pagkatapos ng fifth episode kahapon, Friday, August 19.
Shinare rin ni Jane sa kanyang IG account ang nasabing poster.
Nilagyan niya ito ng caption tulad ng caption ni Iza Calzado, ang unang Darna. “Ang pinakamalaking kasalanan ay kapag may kakayahan kang tumulong pero wala ka namang ginawa.”
Good comments ang natanggap niya sa kanyang followers.
***
Pinasok na rin ni Julia Barretto ang sexy movie via Expensive Candy.
Kapareha ni Julia si Carlo Aquino na isang mahusay na aktor.
First time na nagkapareha ang dalawa kaya ayon sa direktor ibang putahe na naman daw ang mapapanood ng moviegoers sa bagong parehang ito.
Gugulatin daw ni Julia ang mga makakapanood ng kanilang movie dahil ibang Julia Barretto ang ibubulaga sa wide screen.
Isang prostitute ang gagampanan ng aktres bilang Expensive Candy.
Bilang isang babaeng bayaran, paliligayahin niya ang mga lalaki.
Malamang daw na makakuha ng nominations ang performance ni Julia sa Expensive Candy.
Bale reunion project ng aktres at ng direktor na si Jason Paul Laxamana dahil siya rin ang direktor ng 2019 hit movie na Between Maybes nila ni Gerald Anderson na boyfriend na niya ngayon.
Dahil daw sa closeness ng dalawa kaya pumayag ang aktres sa mga.daring scenes sa EC.
Maging ang mga linya raw na binibitawan ng aktres ay.masyadong.vulgar.na ikagugulat ng mga manonood.
Hindi nga raw nagpakabog si Julia sa mga Vivamax.beauties.
Sabi nga ng isang netizen kung kaya nila kaya rin ni Julia. Aba, hindi siya magpapahuli sa mga yan noh… may name na siya.”
Napakalakas umano.ng screen presence at nagmumura ang sex appeal niya sa EC.
May dialogue nga raw siya doon ns ang lakas ng impact, ang “Because I am special.”
Talagang special ang aktres dahil sa photoshoot na binahagi ni @andreabeldua sa kanyang Instagram may caption siyang nilagay na, “hello? It’s Candy @juliabarretto can’t come to the phone right now”
Tatlong seksi photos ang kanyang ibinahagi sa social media na tiyak pagpipiyestihan ng mga kalalakihan.
Komento ng netizens, “Aminin sexy si accla at sosyal tignan”
May hindi naman sumangayon, “Sa edit and liyad ang butt. Hindi naman siya big butt.”
Para naman daw.siyang si Angelina Jolie, “Angelina’s stare and aura wearing the dominatrix outfit in Mr and Mrs Smith, kabog yun.”
“Ayan na. Pag nagpasexy na talaga si Julia talbog na lahat na kanya”