Advertisers
It is with high pride and honor to accord my commendation to the efficiency of our Malabon PNP and CIDG.
Ako po ay lubos na namangha sa sigla, kisig at tapang na ipinamalas ng ating kapulisan sa mabilis nilang pagdakip sa suspek na lumapastangan sa isang babaeng Malabonian kagabi (Lunes) lamang.
Ang akin pong masidhing pakikiramay sa pamilya ng biktima at nawa, sa tulong po ng buong siyudad ay nakamtan ninyo ang hustisya at maibsan kahit kaunti ang sakit na inyong nararamdaman.
Hindi parin ako mapakali dahil talamak parin ang droga sa ating siyudad sa kabila ng puspusang pagpuksa ng PDEA sa problemang ito. Dahil matapos madakip ang suspek, napag-alaman na siya ay lango sa droga.
Kaya’t hinihingi ko ang partisipasyon ng bawat mamamayan na maging mapagmatiyag sa posibleng mga users pushers at higit ay obserbahan ang mga posibleng krimen. Agad na manghingi ng tulong sa mga awtoridad para sa agarang tulong at responde.
Kaisa ninyo ako sa hustisya.
Kayang-kaya, Malabon!