Advertisers

Advertisers

Mayor Honey planong maglagay ng vax area sa 107 pampublikong paaralan

0 280

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna ang planong paglalagay ng vaccination areas sa may 107 public elementary at high schools sa kabisera ng bansa.

Ang layunin nito, ayon kay Lacuna ay upang mas marami ang makumbinsi na magpabakuna maging ito man ay primary o booster shots.

Nabatid mula sa kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila na ginawa na ito ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ni Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan noong enrollment.



Napag-alaman na nag-set-up ng vaccination areas sa mga eskwelahan kung saan marami ang nagpabakuna.

Patuloy na ikinakampanya ni Lacuna na isang doktor ang pagpapabakuna dahil ito ang pinakaepektibong paraan upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra COVID-19.

Umapela din si Lacuna sa mga mag-aaral na kausapin ang kanilang magulang at payagan na sila ay mabakunahan.

“Out of place ako, madami nang bakunado sa kaklase ko baka pwede ako din. Kayo na humingi sa inyong mga magulang, lolo at lola,” sabi ni Lacuna sa mga estudyante ng public schools na kanyang binisita noong unang araw ng face-to-face classes nitong Lunes.

Samantala ay sinuspindi ni Lacuna ang klase sa lahat ng levels sa public at private schools sa Maynila mula August 23 hanggang 24 dahil sa bagyong ‘Florita.



Binigyan naman ng sariling kapasyahan ang mga private offices na magkansela ng kanilang trabaho dahil sa lagay ng panahon.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 29, dineklara ni Lacuna ang suspensyon ng trabaho maliban na lamang sa local government offices na nakatalaga sa pagbibigay ng pangunahing health services. (ANDI GARCIA)