Advertisers

Advertisers

NIA DAPAT PAIGTINGIN NG GOBYERNO!

0 10,712

Advertisers

Kung walang pagkain ay walang magiging tagumpay ang sangkatauhan na dapat lamang pagtuunan ang sektor ng agrikultura.., na ang mahalagang aspeto ay mapaigting ng gobyerno ang NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION (NIA) dahil ito ang isang pinagmumulan upang mabuhay ang mga pananim at iba’t ibang uri ng mga alagaing hayop.

Noong nangangampanya at ngayo’y halos nasa 2-buwang panunungkulan na si PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. ay agrikultura ang isa sa pangunahing pinagtuunan nito.., kaya nga inako muna nito na mapangasiwaan at malinis ang manipolyo ng mga NEGOSYANTENG BUWAYA sa ahensiya ng DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA).

Agrikultura.., mayorya rito ay mga pananim at alagang mga hayop na nagsisilbing pagkain o ulam ng mga tao.., na pangunahing pangangailangan ay ang tubig para sa mga pananim at alagang hayop na kung ang lugar ay malayo sa mga katubigan o ilog ay IRIGASYON ang solusyon na kailangang mapahalagahan at mapangalagaan, hindi lamang ng gobyerno kundi mismong mamamayan ang dapat mangalaga.



Kaya naman, nang maitalaga ni PRESIDENT BONGBONG sI HONORABLE BENNY ANTIPORDA bilang NIA ADMINISTRATOR ay hindi lamang mga kawani sa naturang ahensiya kundi maging ang ARYA ay sumasaludo dahil angkop sI ANTIPORDA sa kaniyang bagong posisyon.., na mapoprotektahan at magiging progresibo pa ang mga IRIGASYON sa ating bansa.., Ika nga likas na mapagmalasakit sa kapaligiran at aspetong pangkabuhayan ng buong sambayanan ang noon pa ma’y itinataguyod na ng naturang opisyal.

Sa kapakanan ng sambayanan ay ikinakampanya ni PRESIDENT BONGBONG ang paglilinis sa mga GOVERNMENT AGENCY laban sa CORRUPTIONS upang maging kapakipakinabang ang pondo ng bayan.., kaya naman may ilang NIA INSIDERS ang nagpapaasiste sa ARYA upang maipaabot sa kaalaman ni ADMIN. ANTIPORDA na masiyasat at madiskubre umano ang ilang mga tiwaling NIA OFFICIAL.

Ang mga NIA INSIDER na nakisuyong mailihim ang kanilang mga pagkakakilanlan sa pangambang mapag-initan naman sila ng mga opisyal ay isasaad na lamang natin dito sa kolum ang kanilang pinatutungkulan at si ADMIN. ANTIPORDA ang aaksiyon hinggil dito

Isa sa inirereklamo partikular ng mga magsasaka sa bayan ng PEÑARANDA.., na kahit hindi pa puwedeng anihin ang pananim nilang mga play ay pinaputol o tinanggalan na sila ng patubig ng NIA-UPPER PAMPANGA RIVER INTEGRATED IRRIGATION SYSTEM (NIA-UPRIIS) DIVISION 4 GAPAN CITY sa pangangasiwa ni DIVISION MANAGER ENGR. LEONARDO RAMOS.

Isang dapat pa umanong masiyasat sa NIA ay ang kinakaharap na GRAFT CASE ni NIA-UPRIIS DEPARTMENT MANAGER ENGINEER ROSALINDA BOTE.., na mismong sI MAGSASAKA PARTY LIST REPRESENTATIVE ARGEL CABATBAT ang nagsagawa ng imbestigasyon.



May IRRIGATION PROJECT daw sa bayan ng RIZAL, NUEVA ECIJA na pinangasiwaan ni ENGR. BOTE ang GUMUHO o NAGIBA kahit wala umanong kalamidad tulad ng bagyo pagbaha o paglindol.., dahil tinipid ang ginamit na materyales tulad ng bakal sa ginawang IRIGASYON.

Bukod sa kinakaharap na isyu ni ENGR. BOTE ay may dapat pa rin daw itong paliwanag sa isyung “Nepotism” na ito ay nasa tanggapan na ng CIVIL SERVICE COMMISSION (CSC).., hinggil sa ipinasok raw nito sa kaniyang tanggapan ang sariling anak gayong labag daw ito sa isinasaad ng CSC. Inireklamo na raw ito sa dating NIA ADMINISTRATOR.., yun nga lang ay wala raw naging aksiyon.

Bulong pa ng ilang NIA INSIDERS.., dapat daw siyasatin ni ADMIN. ANTIPORDA ang mga namumuno ng NIA-UPRIIS mula DIVISION 1 Hanggang DIVISION 6 ng dam, ENGINEERING at OPERATIONS partikular ang mga DEPARTMENT MANAGER.., dahil may mga posisyon na ang requirement ay kailangang may MASTERAL DEGREE pero may Ilan daw sa mga nasa posisyon ang walang credentials na MASTER’S DEGREE.

Sa mga nagtitiwala sa ARYA.., ipaubaya at pagtiwalaan po natin si ADMIN. ANTIPORDA dahil sa mga kasanayang kaniyang taglay ay maisasagawa nito ang sinserong pamumuno.., kaya naman natagurian ito bilang ACTION MAN

Naalala ko pa ang naging talumpati ng naturang opisyal minsan sa kanilang flag raising ceremony ay nalitanya nito ang.., “One thing that I will assure everybody is that we will be stricter in entering into contracts with our contractors and all the people who deal with us. Ang inyo pong pamilya ay maipagmamalaki kayo in the future dahil we will preserve the good name of NIA and we will give our best to ensure that NIA will be a better or even the best government agency”.., kaya naman MABUHAY KA ADMIN..ANTIPORDA para sa kapakanan ng buong mamamayan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.