Advertisers

Advertisers

PNP & MEDIA ON WAR PATH ON PAYOLA?

0 383

Advertisers

Kahit ang kapulisan ay litong lito na sa pagkilala kung sino nga ba ang mga lehitimong media o HAO SIAO.

Ito ngayon ang bulung- bulungan ng ilang opisyal at miyembro ng PNP sa pagkilala sa ating mga mamamahayag.

Karamihan kasi sa mga nagpapakilalang media ay tumatawag lang at sinasabi kung ano ang kanilang pakay sa ating kapulisan, kadalasan nga umano ay ang pagrereklamo o pag- uutos sa mga kapulisan tungkol sa mga nakatagong sugalan gaya nga ng mga pergalan o peryang may sugal.



Tama naman sana ang ginagawa ng ilang tumatawag at nagpapakilalang media, information dissemination ika nga.

Ngunit ang masakit para sa ating mga kapulisan eh nagagamit ang kanilang trabaho para lamang makapanloko ang ilang kupal na media kuno.

Bakit ka n’yo mga dear readers?

Ang pakay lamang pala ng mga tarantadong ito eh perwisyuhin o ipatigil ang nasabing iligal na sugalan para hingian ng pera ang mga operators at “gatasan” at tarahan ng regular na payola.

Ayon pa sa ating source, minsan ay nagiging sunud- sunuran na lamang ang mga kapulisan sa mga kupal na bogus media matapos silang utusan para ipahinto ang sugalan sabay tatawag naman makailang araw para pabuksan naman ito.



Ayos!

Instant utusan ang ating kapulisan!

Kaya marami sa mga kapulisan ay hindi na nabibigyan talaga ng pansin ang reklamo ng ilang mga kababayan natin na ginagamit ang media para sa kanilang mga reklamo dahil nga ang katwiran nila pag sa pulis nagreklamo eh walang nangyayaring aksyon sa kanilang sumbong hindi katulad sa mga media sila magsusumbong ay napapabilis ang pagtugon ng PNP lalo na kung ang matataas na opisyal nito ang kakalampagin.

Gaya na lamang ng reklamo ng ilang mga residente sa probinsya ng Bulacan na sandamakmak ang pergalan, particular na dito sa bayan ng Bustos Bulacan,sa may Brgy. Camatsilian, Hagonoy, Sta Maria, Norzagaray, Bulacan,bulacan at ibang bayan ng lalawigan.

Kung sa bagay, mahirap nga naman sa sitwasyon ngayon kung sino nga ba ang lehitimong media kaya ang pag-aksyon ng ating kapulisan ay may pag-aalinlangan dahil nga sa nagiging kaugalian ng ilang media kuno ang ganito kagarapal na diskarte.

It’s up to PNP kung paano nila ibaback-ground check ang nagpapakilalang media, meron naman tayong social media, television, dyaryo at radyo para makita at malaman ang kung tunay o hindi ang nagpapakilala o tumatawag sa kanilang media.

Ngayon nga na papasok na naman ang “Ber” months na tinatawag o ilang buwan bago sumapit ang kapaskuhan, tiyak na mawiwindang na naman ang ating kapulisan sa dami ng mga matatanggap na reklamo mula sa mga concern citizens at mula sa mga magpapangggap na media kuno .

Pero ganito lamang ka simple ‘yan para sa ating mga kapulisan, ‘wag po ninyong payagan ang mga pergalan o anumang uri ng sugalan sa inyong nasasakupan (AOR) at tiyak na tiyak walang kupal na media kuno ang makakaisa sa inyo.

As simple at ABC lamang talaga ‘yan, zero gambling operations, zero complaints, di ba mga idol natin sa PNP!

‘Yan ay kung matitiis ng ating mga kaibigan sa PNP na maging Paskong- tuyo ang kanilang Yuletide season.

Peak season kasi ang “BER” months sa paglalatag ng mga puwesto ng mga peryahan operators.

Malaki-laki ring pakinabang ang nakukuha ng PNP mula sa mga operators na ito.

‘Wag na tayo magpaikutan pa!

Real talk na lang tayo dito.

Anyway, open secret naman talaga ang “kalakarang” ito sa sistema ng pambansang kapulisan gaya na rin ng isyu sa mga illegal sidewalk vendors at at iba pang “tinatarahan” ng ating mga kaibigan sa hanay ng PNP as long as di ito crying money.

Remember it’s Christmas time where and when everyone is entitled to be joyful and happy!

Hindi po ba Madam Connie at Boss Tolits, ang HARI at REYNA ng mga peryang may sugal d’yan sa lalawigan ng Bulacan ni Gov. Daniel Fernando!

I wonder kung uso pa sa tanggapan ni PNP CHIEF GEN. RODOLFO AZURIN ang pamosong NO TAKE POLICY!

Short of saying that the PNP is on war path versus media on issues in payola!

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com