Advertisers

Advertisers

Pulitika sa dulo ng Sports

0 443

Advertisers

SINO ang magsasabing taken for granted na ang Isang caging icon sa dulo ng karera matapos ang masayang buhay-basketbol gaano man kahusay at kataas ang inabot sa napiling karera?

Hindi na nakagugulat na makitang nasa larangan ng public service o mundo ng pulitika ang isang basketbolista partikular dito sa Pinas?

Kung di na halos mabilang sa daliri ang successful celebrity politicians, isama na po natin at tingnan ang linya ng successful cager- politicians.



Nakatutuwa namang tingnan ang San Juan City na may ipnagmamalking mga lider na dating sikat na cagers.

Mula sa chief executive na si ex -La Salle standout FRANCIS ZAMORA, wagi at kasama sa Team Makabagong San Juan ang fellow caging idols niya led by reelectionist Councilor PAUL ARTADI, newly elected Councilors at ex-UE REd Warriors cum PBA veterans JAMES CARLOS AGRAVANTE YAP (2-time PBA Most Valuable Player), DON ALLADO at ERVIC VIJANDRE.

In all fairness, huwag isnabin ang kalidad at kakayahan ng mahuhusay na lider Ng basketbol na ito..dahil first and foremost, may magandang educational background po sila being asset basketball players ng top universities sa bansa.

Hindi po basta-basta ang kalibre nila na ibinabase ng iba sa popularidad lang ang naging swerte sa pulitika.

For a throwback, naging senador po si basketball living legend ROBERT JAWORSKI, kaya it’s no longer surprising to see his son ROBERT ‘Dodot’ JAWORSKI na iniluklok ng Pasiguenos sa Kongreso at ngayon ay Vice-Mayor katandem ni Mayor VICO SOTTO, anak nina Bossing VIC SOTTO at CONNIE REYES from showbiz.



Marami pa pong iba na nasa napakahabang listahan ng cager-politicians. Ang maganda Po sa kanilang hanay, partikular sa San Juan City, naibabahagi Ang husay nila at pagmamahal sa Sports na unang beneficiaries ang kabataan

Aside from diverting their attention from vices thru Sports activities, napalulutang at natutuklasan ang innate sports abilities nila na pwede ring sumikat in the near future.

Sigurado ang pagtutok sa mga paliga at pagtatayo o pag-paunlad ng sports facilities especially ang basketball courts.

Huwag din pong isnabin, dumarami pa ang serbisyo publiko nila kapag nasa post na. Maraming naaliw sa nakaraang project ng Team Makabagong San Juan tulad ng mga basketball trainings at paliga.

Mas naaliw naman ang San Juanenos sa nagdaang .’Libreng Patuli’ o ‘Free Circumcision’ project ni relectionist Konsi PAUL ARTADI.

Hindi nga po ba, ayon sa paniwala or may scientific connection, mas mabilis tumangkad ang mga batang lalaki upon circumcision. So, malinaw na pabor at healthy project po Yun.

Lately, observed na sanggang-dikit pa rin sa golf sina Mayor FRANCIS ZAMORA, Konsi JAMES YAP at Konsi PAUL ARTADI..abangan lang po natin kung may ilulunsad din silang project sa golf..Ooops! Kudos Po sa Team Makabagong San Juan! So there!

AUGUST CHEERS
Happy birthday to JOSELITO ‘JOY’ SISON FRANCISCO, ANGELITA FRANCISCO-MANALILI and ALLAN CLEMENTE of Bataan, to RENZ MARION NIVIAR SANTOS of Gen. Trias, Cavite and ANGELITA GUTIERREZ of San Felipe Neri Church of Mandaluyong City. May you have the best blessings. HAPPY READING!