Advertisers
PUNTIRYA ni swimming sensation Jamesray Mishael Ajido na makalikha ng kasaysayan sa sports na minsan na ring nagbigay ng karangalan at dangal sa bayan..
Matapos magtatag ng anim na bagong junior national record, ang ipinagmamalaki ng Antipolo Gems Sea Scorpions ni coach Ramil Ilustre ay naghahanda para sa higit pang mga bagong marka sa mga darating na age-group competitions kabilang ang target na malagpasan maging ang kasalukuyang Philippine record.
“Focus po ako sa training. Everyday i’m trying to improve my personal time. This coming tournaments, target ko pong makagawa pa ng bagong record, Philippine record and hopefully in the future maka-world record din ako,” pahayag ng 13- anyos Grade 7 student sa Montessori Integrated School-Antipolo sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Behrouz Restaurant sa Timog, Quezon City.
Mula sa sikat na swimming clan, kumpiyansa si Ilustre na may magandang kinabukasan sa sports si Ajido patunay ang pagdagsa ng mga alok mula sa malalaking kolehiyo at unibersidad para sa scholarship at mas mataas na pagsasanay.
“This early, maraming nang alok ang dumarating sa amin, Right now, focus muna kami na tapusin ni Jamesray yung mga naka-program na competition. Masunurin at hindi ito pasaway, alam niya yung mga hirap sa training at sa buhay kaya tingin ko kaya. niyang mag-established pa ng bagong record and soon become part of the National Team,” sabi ni Ilustre, pinsan ni dating National coach Bong Ilustre at collegiate mentor Ali, sa lingguhang sports forum na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz chain of Restaurant.
Si Ajido, nagsanay kay Iluster mula noong walong taong gulang, ay nakapagtala ng bagong marka sa swimming sa naitalang bagong junior record sa 100-m Fly (58.82), 200-m Individual Medley (2:15.87), 400-IM ( 4:58.71), 200-m Back (2:17.09), 50- Fly (26.95) at 100- Back (1:03.28) sa Philippine Swimming Inc. (PSI) Grand Prix at Asian age-group selection series ngayong taon .
“Hindi po madaling makilala sa swimming. Yung first competition ko, talo ako. Oks lang balik sa training at sinusunod yung mga sinasabi ni coach para ma-improved ko sarili ko. Mahirap ang training, lalo na ngayon balik na rin sa face-to- face sa school. Pero ok lang training lang para lalong humusay,” dagdag ni Ajido.
Sinangayunan ni FINIS Philippines Managing Director Vince Garcia ang kahalagahan ng mga tinuruan ni Ajido tungkol sa kabiguan at kahirapan hindi lamang sa palakasan kundi maging sa buhay bilang personal na pinanangasiwaan ang panggangailangan ng mga miyembro ng TODO Para Team na kinabibilangan nina Godfrey Esperanzate Taberna, Al fernandez, Calib Sim Jr., Raul Q Angoluan, at Jake Lacaba.
Ayon kay Garcia, isa ring triathlon competitior, na nagsimula ang ugnayan niya sa grupo ng Para triathletes nang gabayan niya ang partisipasyon ng grupo sa isang torneo at kalauna’y naging resular na niyang kasama sa mga paglahok sa kompetisyon kabilang at katatapos na Mat. Mayon Triathlon Championship sa Legazpi City, Albay.
“Nakita ko sila sa registration ng isang tournament. Umatras sila dahil sa problema sa registration fee, sabi ko sagutin ko na muna. After that, tuloy-tuloy na yung suporta ko sa kanila and with the help of other friends nasustain namin ying mga gastusin sa training, equipment at participasyon,” sambit ni Garcia.