Advertisers

Advertisers

Dating opisyal ng barangay sa Batangas tinodas

0 548

Advertisers

Lobo, Batangas – Patay ang isang dating opisyal ng barangay nang pagbabarilin ng bumibili ng kanyang tindang uling Miyerkules ng gabi sa Sitio Ilaya, Barangay Mabilog na Bundok sa bayang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Rogelio Lonctoc, 61 anyos, negosyante ng uli, ng Sitio Ilaya, Brgy. Mabilpog na Bundok, at dating kagawad ng barangay.

Sa ulat ni Lobo Municipal Police Station acting Chief of Police, Captain Roy Cuevas, dumating ang salarin sa tahanan ng biktima at nagtanong sa apo ng huli kung nasaan ito dahil bibili raw ito ng uling.



Kung kaya’t tinawag ng bata ang kanyang lolo na noo’y nasa loob ng kanilang bahay.
Paglabas ng biktima at paglapit sa lalaki, kaagad itong pinutukan ng sunud-sunod sa katawan. At umalis ang salarin na naglakad lang na parang walang nangyari.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng kalibre .45 na baril.

Ayon kay Captain Cuevas, dating naging testigo ang biktima sa pamamaril sa sarili nitong kapatid noong Agosto 2020 na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang gun man.

Ito ang ikalawang shooting incident sa bayan ng Lobos ngayong buwan (Agosto) matapos ang pamamaslang kay dating Vice Mayor Romeo Sulit sa isang birthday party dalawang lingo ang nakalilipas.(KOI LAURA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">