Advertisers

Advertisers

Walang tiwala si DSWD Sec. Tulfo sa maraming LGUs

0 221

Advertisers

BATO BATO sa langit ang tamaan ‘wag magalit.

Tumpak si Secretary Erwin Tulfo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) tungkol sa kanyang tinuran na hindi niya direktang ipagkakatiwala sa local government unit (LGU) ang pamamahagi ng cash aid para sa mga estudyanteng anak ng mahihirap dahil malamang na mapolitika lang o hindi makarating sa talagang target ng programa ng gobyerno.

Bilang dating beteranong mediaman, na hinugot ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. para pamunuan ang DSWD, kabisado na ni Tulfo ang mga kalokohan sa LGUs partikular ng mayor at ng namamahala sa local Department of Social Welfare (DSW), base narin sa mga sumbong o reklamo ng mga mahihirap noong nasa media pa siya.



“Ayaw po kasi ng mga kababayan natin, kasi na-experience po nila ‘pag directly LGU ang magbibigay, nandiyan lalabas ‘yung namimili, inuuna muna ‘yung kaanak ni ganito, ni ganoon. May listahan na ibibigay sa social worker ‘yung Office of the Mayor or ng government official, ‘paunahin mo ito’,”saad ni Tulfo.

Ang suggestion ng ating mga mambabasa ay idaan nalang sa GCash para siguradong makararating sa kinauukulan.

May nag-suggest din na idiretso na sa mga eskuelahan.

Sang-ayon ako sa dalawang suggestions na ito: ang ipadala sa GCash, at idiretso sa eskuelahan.

Pero lilinawin natin: Ang maari lamang makatanggap nitong one-time educational cash aid ng DSWD ay yaong mga anak ng hindi benepisyaryo ng 4Ps.



Oo! Dahil yung 4Ps ay ‘yan na ‘yung ayuda ng gobyerno sa indigent parents na may mga anak na pinaaaral mula edad 0 – 14 anyos. Maliwanag?

***

Napakaimposible ng ulat ng military na ang pinasabog nilang motorbanca na umano’y sakay ang mag-asawang opisyal ng CPP-NPA na Tiamzon sa bahagi ng Sierra island sa Catbalogan, Samar kamakailan ay may kargang at least 10 armadong rebelde. Dahil ang maari lamang umano na magkasya sa naturang motorboat ay lima.

Sabi ng mga residente sa lugar na nakakita sa sumambulat na motorbanca, hindi kasya ang 10 sa naturang sasakyang pandagat. Kahit nga daw lima ay lulubog parin ito dahil malalaki ang alon that day dulot ng masamang panahon.

Ang ganito raw kalaking motorbanca ay ordinaryo lamang para sa mga mangingisda, mangangawil sa isla.

Walang narekober na mga labi ng tao sa sumambulat na motorboat.

Ang mag-asawang Tiamzon ay nahuli na noong panahon ni late ex-Pres. Noynoy Aquino. Pero sila’y pinalaya ng sumunod na administrasyong Duterte para umupo sa peace talk. Kaso hindi nagtagumpay ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng mga rebelde at gobyernbo. At simula noon ay nagtago na uli ang mag-asawang komunista.

Sana nga ay matapos na ang mag-asawang ito na sakit na ng ulo simula pa noong panahon ng ama ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.. Mismo!

***

“Sinibak” na raw ang anim na opisyal ng Bureau of Customs sa Port of Subic na sangkot sa smuggling ng asukal sa port.

Dapat huwag na silang ibalik sa puwesto.