Advertisers
ARESTADO ang isang Chinese national na dumukot sa dalawang dayuhan ring babae na ikinulong at ginawang sex slaves sa Pasay City.
Kinilala ang nadakip na si Who Ning Yuangquiang, 34 anyos.
Nasagip din ng mga tauhan ng Pasay City Police ang dalawang biktima na Cambodian at Vietnamese nationals.
Sa inisyal na imbestigasyon, nag-apply umano maging POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) workers ang dalawang babae, pero iba ang kanilang kinahantungan.
Nahuli si Yuangquiang, habang nakatakas ang kayang mga kasamahan.
Napag-alaman na ang dalawang babaeng biktima ay bago lamang sa Pilipinas.
Pero front lamang umano ng mga suspek ang gaming operation dahil wala talagang trabaho na naghihintay sa mga biktima dito sa Pilipinas.
Nakumpiska sa naarestong Chinese ang ilang sachets ng shabu at isang 9mm na baril.
Mahaharap ang Chinese sa kasong abduction, rape, at illegal possession of firearms, at paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy pang pinaghahanap ng pulisya ang iba pang kasamahan ni Yuangquiang. (Jojo Sadiwa)