Advertisers
M’LANG, Cotabato – Pinatay ang isang empleyado ng M’lang-LGU ng hindi pa kilalang mga armadong lalaki sa loob ng bahay nito sa Purok 4, Barangay Dungguan sa bayang ito, Huwebes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Norodin Tol Musa alyas Tol, market guard at empleyado ng M’lang-LGU.
Ayon kay M’lang PNP Chief, Lt. Colonel Realan Mamon, kumatok pa sa bahay ng biktima ang mga salarin pero hindi ito pinagbuksan ng biktima.
Base sa salaysay ng asawa ng biktima, sinabihan silang uubusin sila kapag hindi pinalabas si Musa.
Nang pumasok ang armadong grupo, pinapunta sa kuwarto ang asawa at anak ng biktima habang pinaluhod si Musa at pinagbabaril na kitang-kita ng asawa.
Mabilis na tumakas ang mga salarin bitbit ang pera, armas ng biktima, cellpohone, at iba pang importanteng gamit.
Dinala pa sa bahay pagamutan ang biktim pero idineklara itong dead on arrival.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.