Advertisers
Noong huling pitak ay iminungkahi ni Tata Selo na si Tim Cone na lang gawin na head coach ng Gilas. Siya nga naman pinakakwalipikado. Winningest sa PBA at pinakarespetado.
Tapos may lumabas na ulat ang mentor ng GinKings ang hahawak ng pambansang koponan sa 4th Qualifying Stage ng FIBA para sa ating rehiyon. Kaso mo sa papel daw ay si Chot Reyes pa rin nakalista.
May press release rin na nagsasaad na ang defensive strategy ni Cone para sa team ay malaking tulong sa pambansang koponan.
Ano ba talaga SBP?
Minabuti natin manood sa telebisyon ng aktuwal na laban nila kontra Lebanon na nakasked ng 2 AM ng Biyernes upang malaman ang totoo. Alam ninyo naman na galit tayo sa fake news. Sige konting sakripisyo sa paggising ng madaling araw.
Hayun si Reyes pa rin nagmamando. Tahimik lang ang Amerikano.
Pero hindi pa rin maalis sa isip ni Tatang ang posibleng maging resulta kung si Cone ang hc. Hehe.
***
Ayaw ni Pepeng Kirat ang report na kukunin ng LA Lakers ang 34 años na si Patrick Beverley.
Na-trade raw kay Talen Horton-Tucker at isinama pa si Stanley Johnson.
Sa kagustuhan nilang win now ay ipinagpalit ang patapos na career sa dalawang pa-blossom pa lang.
Susmaryosep! Maling-mali raw ang desisyong ito ayon kay Pepe dahil sa edad factor.
Maigi pa raw kung ibinalik na lang si Dennis Schroder na mas bata at papayag sa veteran’s minimum na sahod.
Ito nga naman si Beverley ay $13M ang suweldo.
Ano kaya sunod na hakbang ni Rob Pelinka? Mahanap na kaya siya ng trade partner para kay Russell Westbrook?
Kung si Ka Berong daw may-ari ng Nets papayag na siya kapag isama dalawang first round pick sa exchange.
Paano kasi expiring naman sina Kyrie Irving at Westbrook. Malamang sa hindi, aalis din si Irving sa isang taon. O eh di may pakinabang pa kung ituloy na ngayon.