Advertisers
Patay ang dalawang katao habang anim ang sugatan ang naganap na aksidente sa daan sa may Purok 7 Kalingayan, Brgy. Bayugan 3, sakop sa bayan ng Rosario, Agusan Del Sur nitong Lunes ng umaga.
Kinilala ang namatay na sina Flora Lagaras at Ernesto Dipay taga Sitio Lumaban, Brgy. Rizal, Surigao City kung saan dineklarang dead-on-arrival nang dalhin sa Bunawan District Hospital.
Habang anim ang nilapatan sa hospital na nakilalang sina Archie Dipay, ang drayber sa nadisgrasyang itim na KIA Sportage na may plate number JCS 331 at residente sa Sitio Lumaban, Brgy. Rizal, Surigao City; mga pasaherong sina Matias Dipay; Dimocrito Dipay; Nimfa Dipay; Rhea Jane Dipay; at Hazel Ann Dipay parehong residente naman sa Sitio Lumaban, Brgy. Rizal, Surigao City.
Napag-alamang binabaybay ng sasakyan ang National Highway sa Rosario, Agusan Del Sur at patungo sa Davao ang direksiyon, nguni’t nakatulog umano ang drayber dahilang pagdating sa lugar na pinangyarihan, nawalan ito ng kontrol sa manubela at nahulog ang sasakyan sa sementadong kanal sa gilid ng daan.
Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng mga pinsala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima kung saan ang iba tumalapon pa galing sa sasakyan.
Kaagad naman na nakaresponde ang Search and Rescue Agusan Del Sur o SARAS-Bayugan 3 at dinala ang mga biktima sa ospital nguni’t namatay ang dalawa sa mga biktima.