Advertisers
Inaresto ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) isang commentator at journalist sa kasong cyberlibel sa Pasay City.
Kinilala ang inaresto na si Oswaldo Czrbonel alias Waldy Carbonell, 79 anyos
Ayon kay PNP Chief Gen Rodoldo Azurin Jr., 9:30 ng umaga ng arestuhin si Carbonell ng mga elememto ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Intensified Anti-Criminality Operation (CIACO) sa SM MOA, Bay Parking and bike Station sa Pasay City.
Inaresto si Carbonell sa bisa ng 6 na warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) na ipinalabas ni Hon. Bonhoefer Vergara Bernardez, Presiding Judge, First Judicial Region, RTC Branch 15 of Laoag City Ilocos Norte noong Oct 22,2021.
Inirekomenda ng korte ang piyansang P72,000 sa bawat isang kaso.
Dinala si Carbonell sa CIDG Northern District Field Unit office para sa ‘documentation’ at ‘booking procedure’ at nakatakdang iharap sa korte na nagpalabas ng warrant.
Tiniyak naman ni Azurin na papanagutin ang sinuman lumabag sa batas at harapin ang kaukulang parusa ayon sa korte.(Mark Obleada)