Advertisers

Advertisers

P13.6m droga nakumpiska sa mag-utol

0 167

Advertisers

Kung ang magkapatid na nasa high value target nang madakip sa isinagawang buy bust operation, nitong Linggo sa Silay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Angie Dumdumaya, 30; at Angielyn Dumdumaya, 25, at kapwa residente sa Barangay Lantad, Silay City Negros Occidental.

Sa ulat, sa pinagsamang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit-Western Visayas at Silay City Police Station, 10:05 ng umaga nadakip ang mga suspek sa Sitio Dapdap ng nasabing lungsod.



Nakuha sa mga suspek ang aabot sa halagang P30,000.00 na halaga ng shabu, 5 plastic sachet na naglalaman ng shabu na may bigat na 2,010 grams at may kabuuan P13.668M.

Sa bawat isang gramo ng shabu at naibebenta ng mga suspek sa halagang P6,800.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang magkapatid na suspek.