Advertisers
MAHIGIT 30 fencers mula sa Canlas Fencing ang nakatakda na sumabak laban sa young talents sa region sa Singapore Minime Fencing Festival naka-iskedyul mula Setyembre 2-4 sa OCBC Arena sa Kallang, Singapore.
Pangungunahan nina Victoria Ebdane at Antonio Manuel, pati na rin sina Jodie Tan at Willa Galvez ang FC delegation sa tournament para sa foil weapon 14-under,12-under at 10-under divisions.
Si Ebdane ay sariwa pa sa impresibong kampanya sa Southeast Asia Fencing Federation Minime nakaraang Linggo sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan nagwagi siya ng gold medal sa foil U-18 category at silver medal sa foil U-14 division.
Samantala, si Antonio, nagbulsa ng silver medal sa foil U-14, habang si Yuhann Malik Roldan, na sasabak rin sa Singapore, natuhog ang bronze medal sa foil U-12 event sa Malaysia.
Nasungkit ni Tan ang gold medal sa foil U-12 class sa One Canlas Fencing Competition nitong buwan sa SM City Sta Mesa,kung saan nasukbit ni Galvez ang bronze medal sa parehong category.
“We at Canlas Fencing, we’re very excited that our young fencers will be seeing action in the prestigious Singapore Minime Fencing Festival,” Wika ni Sally Aramburo, co-founder ng Canlas Fencing kasama si national team mentor Rolando “Amat” Canlas Jr.
Makikita rin sa tournament sina Opao Catantan, Yuna Canlas, Jada at Jaden Divinagracia, Aliyah at Amber Diaz, at Christine Morales sa girls foil; Clyde, Yllac at Wyatt Guinto, Lance at Kyle Dy, Gael Villaluna, Lucas Palafox, KD Castillo, Elijah Timbol, Miloy Estreta, Santi Mineses, Inigo Divinagracia at Matteo Canlas sa boys foil.
Kabilang rin sa CF delegation sina Kyra Skylie Cleto at Simone Maria Atilano sa girls sabre, Enrrico Ronsayro at Ralph Cuenca sa boys sabre, Diego Son at Leandro Apita sa boys epee.