Advertisers

Advertisers

Suporta ni Mayor Honey sa MPD: ‘Walang Iwanan’

0 230

Advertisers

“WALANG iwanan”. Yan ang suportang pangako ni Manila Mayor Honey Lacuna sa Manila Police District (MPD). Ito ay kasabay ng apela niya sa mga tagasuporta ng pamahalaang lungsod na patuloy na tumulong sa pamamagitan ng pagtulong din sa mga pangangailangan ng kapulisan.

Samantala ay inanunsyo ni Lacuna na ilalabas na ngayong linggong ito ang monthly allowance allotment ng MPD police mula sa city government.

Ayon kay Lacuna, inasikaso na ni city administrator Bernie Ang lahat ng kailangang dokumento at pinirmahan na rin ang kalakip na mga papeles upang mapadali ang release ng monthly allowance nf mga pulis na nasa halos 5,000 lahat.



Ipinangako din ng lady mayor na ita-tap niya ang lahat ng mga tumulong sa local government eversince, at sinabing mapalad ang Maynila sa pagkakaroon ng mga tahasuporta na laging nasa likod ng ng mga adhikain ng lungsod.

“Nakatutok po tayo sa regular stakeholders at nakikipag-usap. Sabi nga ni PBBM, dapat may public and private partnership dahil makakatulong sa lahat ng adhikain,” sabi ni Lacuna.

“Sana ay patuloy kayong sumuporta in terms of mobile cars, SWAT vehicles and the like. Sana ay matulungan nyo pa din kami pati na din ang ating partners sa national,” dagdag pa ng alkalde.

Sinamantala rin ni Lacuna ang pagkakataon upang pasalamatan ang MPD para sa payapa at maayos na unang araw ng in-person classes sa kabisera ng bansa.

Labis na ikinatuwa ng alkalde na walang kaguluhang naganap sa unang araw ng pagbabalil ng in-person classes sa lungsod at ito ay dahil sa tagumpay nang mga inilagay na help desks at pagkakaroon ng mga nagpa-patrol elemento ng MPD.



Inihalintulad din ni Lacuna ang mga MPD personnel bilanh mga unsung heroes tulad din ng medical frontliners at overseas Filipino workers na kanyang lahat na pinapurihan sa paggunita ng National Heroes ‘Day nitong Lunes. (ANDI GARCIA)