Advertisers
AABOT sa 1,238 na kaso ng teen pregnancies ang naitala sa unang semester pa lamang ng taong 2022 sa lalawigan ng South Cotabato.
Sa datos ng Provincial Population Office (PPO), 277 sa mga teen preganancies, naitala sa T’Boli; 235 sa Polomolok; habang 193 naman sa Lake Sebu.
Pinakabata sa mga nabuntis sa lalawigan ngayong taon 11 anyos lamang.
Samantala, alarming naman ang numero ng mga nagdadalantao na may edad 12 hanggang 14 anyos.
Dahil dito, mas paiigtingin pa ng PPO sa pamumuno ni Provincial Population Officer Zenaida Duron kasama ang Integrated Provincial Health Office o IPHO ang kampanya laban sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan lalo na sa limang mga bayan na may mataas na kaso ng teenage pregnancy at sa mga mga Geographically Isolated and Depressed Areas o GIDA.