Advertisers

Advertisers

Bgy. kagawad tinodas habang pauwi ng bahay

0 206

Advertisers

Patay ana isang Barangay kagawad ng pagsasaksakin ng ‘di nakikilang salarin habang naglalakad papauwi ng bahay sa Limay, Bataan.

Kinilala ang biktma na si Darwin Aboganda, 46, Brgy. kagawad ng Barangay St. Francis II, Limay, Bataan.

Sa report, 8:00 ng gabi nang maganap an insidente sa Brgy. St Franscis II, Limay Bataan.



Ayon sa ulat, naglalakad papauwi ang biktima galing sa panonood ng liga ng basketball ng barangay nang mapadaan ito sa madiling na bahagi ng daan.

Bigla na lang sumulpot ang isang ‘di nakikilang salarin at nilapitan ang biktima at sunod sunod na inundayan ng saksak.

Agad naman tumakas ang salarin habang isinugod ng ilang mga residente ang biktima sa pagamutan kung saan ito binawian ng buhay.

Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at motibo ng pananaksak.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">