Advertisers
PATULOY ang pamamayagpag ni EJ Obiena sa Europe matapos ibulsa ang isa na namang gintong medalya sa St. Wendel City Jump sa Sankt Wendel, Germany Miyerkules.
Ang world No.3 pole vaulter ay nalundag ang 5,86 meters upang itala ang bagong meet rekord, naalpasan ang kapwa Tokyo Olympian Menno Vloon ng Netherlands at Anthony Ammirati ng France.
Nasikwat ni Vloon ang silver via countback matapos siya at Ammirati ay nagposte ng magkamukha na 5.81 meter mark.
Ito ang ikatlong titulo at ika-apat na podium finish ni Obiena sa loob ng siyam na araw matapos pagharian ang Stabhochspringmeeting sa Jockgrim nakaraang Aug. 23 at ang True Athletes Classics sa Leverkusen, parehong sa Germany.
Nagtapos siyang third sa Athletissima event sa Lausanne, Switzerland.
Wala ng pahinga para kay Obiena na sasabak sa Memorial van Damme sa Brussels, Belgium bukas Biyernes, Sept.2 sa Wanda Diamond League meeting, susunod sa ISTAFF 2022 sa Berlin, Germany sa Linggo, Sept.4. Golden Fly event sa Schaan, Liechtenstein on Sept. 11.