Advertisers

Advertisers

‘BER’ MONTHS NA NAMAN

0 348

Advertisers

MABILIS lang umusad ang mga araw.

Nasa ‘Ber’ Months na tayo.

Sumampa na kasi tayo sa buwan ng Setyembre.



Kaya naman, tulad daw ng pag-ikot ng mga araw ay mabilis lang ding nakalusot sa pagbusisi ng House Committee on Appropriations ang P9-billion proposed budget ng Office of the President (OP) para sa susunod na taon.

Kung hindi ako nagkakamali, wala pang 10 minuto ang talakayan ay aprubado agad ng komite ang budget ng OP.

Sinasabing sa nasabing badyet, P4.5 bilyon dito ay para sa confidential and intelligence funds.

Laking pasasalamat ni Executive Secretary Vic Rodriguez sa suporta ng Kongreso sa badyet ng kanilang tanggapan.

Siyempre, makatitiyak daw ang sambayanan na gagamitin sa tama ang pondo para isulong ang interes ng bayan.



Nga pala, record high din para sa Department of Budget ang Management (DBM) ang ?453.11 bilyon na pondo para sa climate change adaptation and mitigation.

Inilalaan din ito para sa susunod na taon.

Sabi nga ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, ngayong taon kasi ay mayroon lamang ?289.73 bilyon ang inilaan para rito ng nakaraang administrasyong Duterte.

Papalo raw pala sa 56.4% ang itinaas na pondong inilaan dito sa Fiscal Year 2023 National Expenditure Program.

Mapupunta raw ang pondo sa Climate Change Expenditure Tagging na prayoridad ng gobyerno gaya ng water sufficiency projects, sustainable energy at food security.

Kasama rin daw dito maging ang pagpopondo sa mga major programs tulad ng Flood Management Program ng Department of Public Works and Highways (DPWH), pagpapagawa o rehabilitation ng flood-mitigation structures, drainage systems nationwide at marami pang iba.

Hindi maitatanggi na sa pamamagitan naman ng patuloy na pagtulong ng mga implementing agencies at mga Pilipino ay matatamo rin ng bansa ang mas ligtas at sustainable na hinaharap.

Suportahan po natin ang mga proyekto at programa ng gobyerno.

Sabi nga ni Pangulong Bongbong Marcos, “Bangon Bayan Muli.”

At makakamit natin ito sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa.

***

Gusto mo ba ng ayuda o tulong pangkabuhayan? Bet mo rin bang matuto tungkol sa pagsasaka at sa mga programang pang-agrikultura, atbp.? Tayo na’t manood at makinig ng “Barangay 882” sa IZTV (Channel 23) at DWIZ. Katuwang ang SM Foundation at iba pa, ang “Barangay 882” radio program ng inyong lingkod ay matutunghayan sa DWIZ 882 FB page, IZTV/Radio, at Youtube DWIZ ON-DEMAND tuwing Sabado ganap na alas-4:00-5:00 ng hapon.

***

At para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook account (Gilbert Laguna Perdez), Twitter, Instagram, at sa aking FB page na ‘Gilbert Perdez’. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat po at stay safe!