Advertisers

Advertisers

MGA SENADOR IRITADO SA PAG-IWAS NI ES RODRIGUEZ SA PAGDINIG NG BLUE RIBBON COMMITTEE

0 283

Advertisers

Hindi raw dapat ihinto ng Senate Blue Ribbon Committee ang kanilang imbestigasyon sa sugar “fiasco” hangga’t hindi pa humaharap si Executive Secretary Victor Rodriguez sa panel para sa cross examination.

Sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na kailangan umanong ma-cross examine muna si Rodriguez kaugnay ng kanyang ibinigay na testimonya.

Karapatan daw ito ng bawat miyembro ng komite at para na rin sa pagiging patas sa kanyang mga nabanggit sa kanyang testimonya na mayrong negatibong epekto.



Ang pahayag ni Pimentel ay kasunod na rin ng naging statement ni Senate Blue Ribbon chairman Francis Tolentino na posibleng lumiban ulit si Rodriguez sa susunod na pagdnig dahi sa conflict sa kanyang schedule.

Ipinaliwanag ni Rodriguez na magpo-focus ito sa paghahanda sa nalalapit na overseas trips ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nakatakda kasing bumisita ang Pangulong Marcos Jr. sa Indonesia at Singapore sa susunod na linggo at sa Estados Unidos naman sa mga susunod na araw.

Sa sulat ni Rodriguez, sinabi nitong nasagot na rin daw niya ang katanungan ng mga senador kaugnay ng pag-iisyu ng Sugar Order 4 na tumutukoy sa pagpayag sa importation ng 300,000 metric tons ng asukal sa bansa.

Sinabi pa ni Rodriguez na ang resolution ay na-draft lamang at hindi naman daw nag-materialize.



Kaisa rin daw ito ng Senado sa pagtugon sa isyu ng corruption.

Una rito, kinuwestiyon din ni Senator Risa Hontiveros ang hindi na pagdalo ng executive secretary sa mga pagdinig.

Tila mukhang umiiwas-pusoy na itong si ES Rodriguez na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ah.

Bakit nga ba ES Rodriguez sir?

May dapat bang iwasan o may nag-utos sayo na isnabin na lamang ang patawag ng Senado.

Mukhang at this early, lumalabas na ang tunay nap ag-uugali ng mama.

Ayaw ni Manang Imee Marcos ng ganyang pag-uugali.

Patunay lamang na hindi nirerespeto ni Rodriguez ang kap[angyarihan ng Senado.

Being a lawyer at that, dapat alam ni Rodriguez ang proper decorum ng isang public official at alter ego ng Pangulong BBM.

Sab inga ni Senator Riza Hontiveros, dapat si Rodriguez ang gatekeeper ng Malacanang at ni PBBM.

Pero ano itong ginawa ni ES Rodriguez?

He kept the President in the dark sa isyu ng sugar importation.

Noong una pa man, marami na ang kumuwestiyon sa pagtatalaga kay Rodriguez bilang executive secretary ng Marcos administration.

Isa na nga diyan ang presidential Ate na si Manang Imee.

For Imee, hilaw na hilaw itong si Rodriguez na maging alter ego ng kanyang nakababatang kapatid na si PBBM.

Malayung-malayo sa estado at kalidad ng mga trusted men ng kanyang amang si former President Ferdinand Marcos Sr.

Expected kasi ni Manang Imee, mga katulad ni Atty. Estelito Mendoza o Juan Ponce Enrile ang maging executive secretary ni President Bongbong Marcos na bukod sa may malawak na karanasan sa pamamahala sa gobyerno at sadyang masasabing batikang abogado at seasoned law practitioners.

Hindi ‘yung “never heard” at bigla na lamang sumulpot sa bakuran ng mga Marcos.

Alam kasi ng mga Marcos ang kalidad ng mga taong tunay ang malasakit at katapatan sa kanila.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com