Advertisers

Advertisers

Higanteng singkamas nahukay sa Kalinga

0 248

Advertisers

UMABOT sa walong kilo ang bigat ng singkamas na nahukay ng isang lola sa Tabuk City, Kalinga.

Ayon sa nagbahagi ng larawan na si Dandan Astrologio Sannadan, nag-harvest ng ilang crops ang kanyang lola Ising sa kanilang hardin sa Sitio Dalimuno, Bantay.

Laking gulat daw ng kanyang lola nang mahukay ang singkamas na kasinglaki ng bola ng basketball.



“It was the largest we have ever seen; something we never even thought was possible!” wika ni Sannadan.

Sa Guinness World Records, ang pinakamabigat na singkamas sa kasalukuyan ay nagtitimbang ng 21 kilos, na nahukay ni Leo Sutisna ng Indonesia noong 2008.