Advertisers

Advertisers

Human Milk Bank equipment tinanggap ng JJASGH – Mayor Honey

0 282

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na tinanggap ng Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang bagong donasyon na Human Milk Bank equipment at ito ay kaugnay nang layunin ng pamahalaang lungsod na suportahan at makapagligtas ng buhay sa pamamagitan ng malusog na gatas ng ina.

Sa isang simpleng turnover ceremony ay ginawa ang pagbibigay ng Pasteurizer Model PAS10000 sa nasabing ospital sa pangunguna ng lady mayor, Vice Mayor Yul Servo at JJASGH Director Dr. Merle Sacdalan, na nagsabi na …“the occasion marks the continued partnership of JJASGH and the ever-generous and compassionate Rotary Club, particularly the Rotary Club International, Rotary Club of Chinatown Manila and its member clubs all over the world.” Ang JJASGH ay isa sa anim na ospital na pinatatakbo ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Ayon kay Lacuna, ang Milk Bank Unit ng pagamutan ay anim na taon ng nagsisilbi sa lungsod at nakapagligtas na ng 1,600 na buhay sa pamamagitan ng ligtas na pagpapasuso ng malusog na gatas ng ina. Nakapag-secured at pasteurized na rin ito ng kabuuang 1,175.49 litro ng gatas sa pamamagitan ng donasyon mula sa mga ina sa iba’t-ibang barangay. Ito ay sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa kanila kapalit ng mga insentibo tulad ng pagkain at iba pang tokens of appreciation.



Ang Milk Bank Unit ng JJASGH, na pinamumunuan ni Sacdalan bilang head ng hospital’s executive committee at Dr. Rosita Yu, isang pediatric specialist na ginugol ang kanyang panahon upang magkaroon pa ng karagdagang units, ay patuloy na hinihikayat ang mga donors upang maging bahagi ng adbokasiya ng pagapapasuso ng gatas ng ina na ligtas at masustansya para sa mga sanggol.

Sinabi ni Lacuna na base sa tala na kanyang natanggap, ang mga listahan ng institusyon na pinili ang JJASGH’s Human Milk Bank Unit ay kinabibilangan ng: Philippine General Hospital, St. Luke’s Medical Center, UST Hospital, MCU Hospital, East Avenue Medical Center, Jose Reyes Medical Center, Manila Doctors Hospital, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Dr. Jesus C. Delgado Memorial Hospital, Laguna Doctors, FEU Medical Center, Metropolitan Medical Center, Las Piñas Doctors, Hospital of Infant Jesus, Parañaque Doctors, Delos Santos Medical Center, Ospital ng Maynila Medical Center at Sta. Ana Hospital.

Sinabi pa ng alkalde na ang JJASGH Human Milk Bank Unit ay patuloy na tumutulong sa mga nangangailangan lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemic kung saan may 1,078.81 liters ng gatas ng ina ang naipamigay.

Noong nakaraang pagsabog ng Bulkang Taal, iniulat ni Sacdalan na ang JJASGH ay nakapagpadala sa mga nasalantang ina na nagpapapasuso ng sanggol ng gatas ng ina. Nagkaroon din ng lectures sa may 250 ina tungkol sa kahalagahan ng breastfeeding at human milk banking.

Pinuri ni Lacuna na isa ring doctor ang mga hakbang na ginawa ni Sacdalan sa aspeto ng edukasyon at pagbabahagi ng kaalaman sa OutPatient Department ng JJASGH kung saan araw-araw ay may mga Human Milk Bank counselors na nagbabahagi ng kanilang kaalaman sa mga ina. Tinatayang nasa 350,000 ina ang nabigyan na ng kaalaman sa pamamagitan ng “Mother’s Classes.”



Ang JJASGH Human Milk Bank Unit ay itinatag noong May 2016 sa pinagsamang pagsisikap sa pamamagitan ng JJASGH Executive Committee at ng Human Milk Bank Team at mula sa pagpopondo at suporta ng Rotary International District 3810, Philippines, Rotary International District 2820, Japan, Rotary International District 3661, South Korea. Mayroon ding kontribusyon mula sa Rotary Club of Kota Kinabalu South, Malaysia D3310, Rotary Club of Busan Kwangbok, South Korea D3661, Rotary Club of Kaohsiung South, Taiwan D3510, Rotary Club of Tomobe, Japan D2820 at Rotary Club of Chinatown Manila D3810. (ANDI GARCIA)