Advertisers
UMPISAHAN natin sa magagandang balita. Una, ginawaran muli ang ABS-CBN ng parangal bilang TV Station Of The Year ng “Inding-Indie” para sa taong 2022 sa kabila ng pagtanggal ng prangkisa nito noong 2020. Susunod ay ang pagtanghal kay Dr Bernadette J. Madrid bilang isa sa tatanggap ng Ramon Magsaysay Awards. Si Dr. Madrid ay isang pediatrician na kinilala dahil sa kanyang kontribusyon sa pangangalaga ng mga batang inabuso. Makakasama ni Dr. Madrid si Sotheara Chim isang psychiatrist at mental health advocate mula sa Cambodia, ophthalmologist at humanitarian Tadashi Hattori mula sa Hapon, at French environmental activist Gary Bencheghib. Binabati natin si Atty. Chel Diokno sa pagkakatalaga niya bilang chairperson ng Bantayog Ng Mga Bayani. Ito ay kasunod ng naganap na Annual General Membarship Meeting noong Agosto 21 kasabay ng paghalal ng bagong Board Of Trustees na mamamahala sa gawain ng Bantayog Ng Mga Bayani Foundation.
Isa pang parangal ang nakamit ng dating Bise-Presidente Leonor Gerona Robredo. Ito ang pagiging isang Hauser Leader ng Harvard Kennedy School, Center for Public Leadership sa Harvard University. Bilang isang Hauser Leader, si Robredo ay magpapamalas ng kaniyang kaalaman sa mga estudyante, guro, alumni at ang buod ng academic community tungkol sa kanyang karanasan at adbokasiya. Makakasama niya sina California Rep. Jane Harman, Washington Post columnist David Ignatius, United Negro College Fund Michael Lomax at HOW Institute for Society founder Dov Seidman bilang mga Hauser leader sa pag-uumpisa ng semestre. Ani Robredo: “A huge honor to be invited at the Harvard Kennedy School’s Center for Public Leadership, as one of its Hauser Leaders for the Fall 2022 semester. What a blessing to be returning to Cambridge for this opportunity. As Hauser Leaders, we will engage with students, faculty, alumni, and the wider Harvard community during our stint on campus. I’m both thrilled and humbled to be given this space to share my advocacies and experiences, alongside a roster of distinguished leaders from various fields.”
Hayaan ninyo gunitain ang pagpanaw ng dalawang nilalang na naging tagdan sa kamalayan nating lahat. Una si Nelia Sancho na naging isang beauty queen at sa kalaunan ay lumaban sa pamahalaang Marcos. Nakilala si Ka Nelia bilang Queen Of The Pacific noong 1971. Pinili niya ang pakikibaka at sumanib sa “underground movement,” naging “political detainee at kalaunan, isa siya sa nagtatag ng grupong Gabriela. Ang isa pang ginugunita ay si Mikhail Gorbachev. Siya ang kahuli-huling prime minister ng USSR. Sa ilalim ng kanyang pamamahala, ipinakilala niya ang mundo sa “perestroika,” o pagbabago ng istraktura ng lumang Unyon Sobyet. Ang kanyang “glasnost” policy, o malayang pagbubukas ang naghantong na pagkaguho at sa kalaunan, pagguho ng Unyon Sobyet sa 15 republika kasama ang Russian Federation. Siya ay pumanaw sa edad 91. Bagaman napakaraming hindi magandang balita, nararapat ipagbunyi natin ang mga maliliit na tagumpay at gunitain ang buhay ng mga pumanaw na nag-iwan ng bakas sa ating kamalayan. Kasihan nawa tayong lahat ng Poong Kabunian.
***
Naudlot ang napamalitang pagsanib ng dalawang higante ng brodkast, ang ABS-CBN at TV-5. Ito ay matapos ulanin ng batikos ang pagsanib-pwersa mula sa ilang mambabatas, partikular kay Sagip Partylist representative Rodente Marcolekta. Ani Markolekta nung Agosto 21: “Palagi kong iniisip ang pagpapatupad sa ating mga batas.” Pahintulutan ninyong himayin ko ang sinabi niy. Ang pagsasanib ay legal na gawain sa anumang negosyo, at sa kaso ng ABS at TV5, makatitiyak na dumaan ito sa masusing repaso mula sa kanilang mga abogado. “Kung ang isang tao, mga organisasyon man o negosyo lalo na’t malaki ay sila mismo ang magsasalaula sa batas natin ay hindi naman tama yon…” Malaki man ang dalawang negosyo, walang nagaganap na paglabag ng batas dito kaya walang sinalaula dito. Dahil walang makitang paglabag sa batas, bukod sa ginawa sa higit labing-isang libong empleyado na ngayon ay walang trabaho, ang ginagawa ni Marcolekta dito sa dalawang brodcast company ang pananalaula. “Ang mga batas ay inilatag at nandiyan para sa pambansang kagalingan….” Hindi para sa pambansang kagalingan ang paratangan mo ng pagkukutsaba ng ABS at TV5 sa pananalaula ng batas. Ito ay paratang lamang at walang basehan. Hindi totoo ito, parang iyong pustisong nakaputong sa bunbunan mo.
“Hindi ako nagagalit sa kanila, naawa ako dahil ang iniisip nila ay ang sarili nilang kapakanan…” Titigil ko na ang pagsusuri dahil bukod sa natatawa ako, nagdadalawang-isip akong subuan ng sinungaok ang bunganga ng hinayupak para matigil siya. Hindi galit, kundi poot ang nararamdaman mo, dahil hindi mo nakuha ang ABS-CBN para sa iyong poon. Matapos ang paglipat nito sa digital platform, at pag reformat ng programming, ang ABS-CBN ay matagumpay na namamayagpag pa rin. Sa kasaysayan, napakaraming mambabatas ang naging mambubutas, at sa mga naganap at nagaganap sa loob ng Mababang Kapulungan. At ikaw Marcolekta, ay napipintong maging isang mabahong utot.
***
Mga Harbat Sa Lambat: “We boo our basketball coaches for losing games but we bear with poor leaders who govern with incompetence and arrogance. Something is wrong with us…” – Fr. Nongnong Tuazon
“Sa lahat ng mga kawani ng gobyerno: Let our virtue be integrity as we serve the public… Taumbayan po ang nagpapasweldo sa atin- the higher ranks we have, the lower we must go. We must serve with utmost humility, integrity, honesty. Let us lead by example…” – Aileen Lizada, Civil Service Commissioner
Joke Time Na Nenok mula kay Vida Guerrero: “COCONUT: Ang mangyayari sa chicharong naiwang bukas nang matagal…”
***
mackoyv@gmail.com