Advertisers
FILIPINO Francis Casey Alcantara at Indonesian Christopher Rungkat ay nagtapos runner-up sa men’s doubles ng Bangkok Open 2 sa Nonthburi, Thailand Linggo.
Natalo sila sa third seed Benjamin Lock ng Zimbabwe at Yuta Shimizu ng Japan,1-6,3-6, sa final ng ATP Tour Challenger event.
Dinaig nina Alcantara at Rungkat ang tambalan nina Anirudh Chandrasekar at Vishnu Vardhan ng India, 2-6,6-4,11-9, para makarating sa championship round, habang ang 6-foot-6 Lock at Shimizu umabante matapos pagulungin sina Yunseong Chung ng South Korea at Beibit Zhukayev ng Kazakhstan, 7-6,(4) 6-3.
Ang tagumpay ng Filipino-Indonesian pairs ay laban kina Sergery Fomin at Denis Istomin ng Uzbeskistan,7-6,(8) 6-2, at second seed Ray Ho ng Chinese Taipei at Grigory Lomakin ng Kazakhstan, 7-5,4-6,10-5.
Samantala, sina Lock at Shimizu, ay pinadapa sina Pruchya Isaro at Thantub Suksumram ng Thailand,7-6(1)6-2, sa round- of- 16 bago ipinta ang 3-6,6-1,10-2 wagi kontra Toshihide Matsui at Kaito Uesugi ng Japan sa quarterfinal round.
“I am happy to be back in the winners circle. Hopefully, we can keep it up and do better this week,” Wika ng 30-year-old Filipino. Ang third leg ay nagsimula kahapon Lunes.
Sina Alcantara at Rungkat ay parehong medal winners sa 2021 Vietnam Southeast Games. Nasungkit ni Alcantara ang men’s doubles silver kasama si Jeson patrombon habang si Rungkat binulsa ang mixed doubles gold kasama si Aldila Sutjiadi.
Nakaraang Hunyo, Alcantara ay nakipagtambalan kay SEA Games singles gold medalist Nam Hoang Ly ng Vietnam para magharian ang Hai Dang Cup Week 2 title sa Tay Ninh City, Vietnam.
Ang unseeded Filipino-Vietnamese dou ay nalupig sina Ji-Hoon Son at Ulsung Park ng South Korea, 6-3,6-1.
Si Alcantara ay kasalukuyang world No. 445 player sa men’s doubles category. Narating nya ang career-high ranking na 257 noong December 2018.