Advertisers
HIGIT sa P2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang big-time drug pushers sa buy-bust operation noong Sabado sa Cavite.
Kinilala ang mga nadakip na sina Asnihaya Mimbalawag, 20 anyos; at Naif Ampuan, 20, kapwa residente sa Marawi City.
Sa report ng Cavite-PNP, 11:55 ng gabi nang madakip ang dalawa sa Barangay Pasong Buaya 2, ng naturang lungsod.
Nakuha sa mga ito ang 300 gramo na shabu na nagkakahalaga ng P2,040,000.00.