Advertisers

Advertisers

PSC Chairman Noli Eala, Trabaho Na!

0 215

Advertisers

PORMAL nang iniabot ni dating Philippine Sports Commission chairman William Ramirez angsimbolikong bandila ng liderato sa bagong appointed chairman na si Jose Emmanuel ‘Noli ‘ Eala sa idinaos na simpleng turn over at flag raising ceremony kahapon sa PSC Admin. Bldg., Rizal Memorial Sports Comlex sa Malate,Maynila.

“Four years of working, two years disturbed by the pandemic. It was a meaningful journey, Chairman Noli Eala needs our help,our support, for if he succeeds, Philippine Sports Commission will succeed and Philippine sports will succeed,” saad ni Ramirez.

Inilatag naman ni Chairman Eala ang mga prayoridad ng kanyang pamamahala tampok ang mga sumusunod: Makumpleto na ang members of the board; seguruhing makukumpleto ang mandato ng PSC;Tiyaking lahat ng national athletes ay preparado sa 2023 competitions; Ipagpatuloy ang grassroot programs; maibigay sa national athletes ang kaukulang benepisyo na magmamalasakit sa mga atleta at siguradong maipagkaloob ang lahat ng pangangailangan upang magtagumpay at ang pantay-pantay na suporta sa regular athletes at paralympis.



Hangad din ni Eala na makumpleto na rin ang ma-appoint na board of commissioners ng ahensya kung saan ang dating bowling icon na si Bong Coo pa lang nanonombrahan at tatlo pa ang kukumpleto sa Board. (Danny Simon)