Advertisers

Advertisers

4 dealers ng pekeng gold bars at pera, timbog

0 268

Advertisers

HULI sa entrapment ang apat katao sa pagbebenta ng pekeng gold bars, paper bills, o perang papel sa Barangay Poblacion 1 sa Villanueva, Misamis Oriental nitong Linggo.

Kinilala ang mga naaresto na sina Eglesirio Quijano, Aurelio Adanza, Pablo Rayon at Alfredo Allego.

Isinagawa ang naturang entrapment operation ng pinagsanib na mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa Misamis Oriental at mga kawani ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).



Sa ulat, mga residente mismo ng Villanueva sa Misamis Oriental ang nagsuplong sa illegal na gawain ng apat kaya ikinasa ang pag-entrap sa mga suspek ng CIDG at BSP.

Inaalam na ng mga imbestigador kung sino ang mga gumagawa ng pekeng gold bars at perang nasamsam sa mga naarestong indibidwal.