Advertisers
Ni WALLY PERALTA
TAON na rin naman ang binilang nang maghiwalay ang famous young couple or loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre. Nang matsikang may bagong karelasyon na si Nadine, early part of last year na isang French businessman na si Christopher Bariou, maagap ang naging tugon ni James na hindi pa siya ready sa pagkakaroon ulit ng karelasyon dahil sa kagagaling niya lang sa halos 4 years failed relationship kaya enjoy daw muna niya ang life being single.
Lumalabas na tila tsika lang ang relasyon niya kay Nancy McDonie of K-pop girl group Momoland. Marahil ay may dapat silang gagawin na serye noon at ilalabas sa ABS CBN pero sa di muling pagbibigay ng panibagong prangkisa sa Dos ay naisantabi na ang naturang serye na prodyus pa ng pamilya ni Reid.
Ngayon na may lumalabas na tsikang nagkakalabuan na umano sina Nadine at Christopher, kumusta naman kaya ang lovelife ni James? “Ready for a relationship? Yeah, I think I am,” say ni James.
Inamin din ng dating matinee idol na malaking tulong ang kanyang music business na Careless Manila sa pagmo-move on niya sa break up nila ni Nadine. Naibuhos niya ang naramdamang ‘pain’ dulot ng break-up sa kantang kanyang inire-record.
“I would like to think so. Actually, this album that I’ve been making has been kind of therapeutic,” saad pa rin ni James.
***
SHE’S a former beauty queen, Miss Philippines Earth 2091 at nang matapos ang kanyang termino ay sinabak niya ang mundo ng showbiz via sexy roles. Hindi naman naging mahirap kay Janelle Tee na magpaka-daring sa kanyang mga pelikula dahil na rin sa talagang dream niyang maging isang artista kahit noong bata pa siya.
May dalawang project ang nagawa na ni Janelle at halos isang linggo lang ang pagitan at kapwa streaming na ito sa lahat ng Vivamax Apps. Una ay ang pelikulang “The Escort Wife” that starts streaming on September 16 and the series “An/Na” that starts streaming naman on September 25.
Kapuna-puna na sa dalawang naturang show ay parehong prostitute ang role ni Janelle. Hindi naman kaya siya kinakabahan na baka ma-typecast na siya sa role na ito?
“Nagkataon lang na magkasunod ang release nila. Pero kahit prostitute ang role ko in both projects, magkaiba pa rin sila. ‘Escort Wife’ is a full length film while ‘An/Na’ is a four-part TV series,” say ni Janelle.
Dagdag pang say ng beauty queen turned sexy star na magkaibang atake naman daw ang ginawa niya kahit parehong karakter ang kanyang ginampanan.
“In ‘The Escort Wife’, I’m a bored wife na napunta sa pagiging escort girl dahil she found out na her husband is cheating on her. It’s more of drama.
Ang “An/Na” naman ay isang mystery/crime story, kasi someone murders me in the series. I play a simple girl who works as a call center agent, si Anna Clemente. But being the breadwinner in their family, she’s always being pressured by her family to give them more money. So ayun, napilitan siyang mag-sideline to earn more money, using another identity named Mei Ling,” dagdag pang say ni Janelle. `