Advertisers

Advertisers

Miguel lumalim ang love kay Ysabel sa pagsasama sa taping

0 311

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

VOCAL si Miguel Tanfelix sa pagsasabing excited siya sa project nila ni Ysabel Ortega na What We Could Be, at ang excitement daw ni Miguel ay dahil kay Ysabel.
“Kasi bukod nga po sa ito yung first lead role niya, kumbaga ito yung launch niya sa GMA, yung tiwala ko kay Ysabel hindi po nawala yun eversince nagkakilala kami, nagka-work kami sa Voltes V.
“Nakakita ako ng malaking potential sa kanya and hindi lang po yung talent, yung pagiging mapagkumbaba niya.
“Isa po yun sa mga hinahanap kong traits na kapag nakita ko sa tao, na kahit gaano sila kasikat alam kong magiging humble pa rin po sila.
“And yes, naniniwala ako sa talent ni Ysabel sa kakayanan niya,” pahayag ni Miguel.
Dalawang proyekto sa GMA ang pinagsasamahan nina Miguel at Ysabel, ang umeere ngayong What We Could Be at ang eere, marahil, sa susunod na taon, ang Voltes V.
Walang relasyong inaamin ang dalawa, pero base sa kilos nila, hindi ordinaryong pagkakaibigan lamang ang namamagitan sa kanila.
Mas lumalim ba o mas tumindi ang kung anumang ugnayan mayroon sina Miguel at Ysabel dahil sa dalas ng pagsasama nila sa taping, na kadalasan pa nga ay lock in kaya walang uwian at mas personal ang bonding?
“Feeling ko ganun naman po yun, pag everday kayong magkasama, everyday kang may matututunan sa tao, everyday mas mapapalapit ka sa kanya.” At everyday ring napamahal si Ysabel sa kanya?
“Wow,” ang tumatawa at tila kinikilig na reaksyon ni Miguel.
Nasa serye rin sina Yasser Marta bilang Lucas, Soliman Cruz bilang Tirso, Aleck Bovick bilang Melba, Pamela Prinster bilang Criselda, Hailey Mendez bilang Vera, Lia Salvador bilang Eloisa, Bimbo Bautista bilang Gabby, EJ Jallorina bilang Ate V, Joel Saracho bilang Mang Tonyo, Art Acuña bilang Bruno, Vince Crisostomo bilang Justin, Joyce Ann Burton bilang Helen, at si Celeste Legaspi bilang Lola Leonora.
Sa direksyon ni Jeffrey Jeturian, napapanood ang What We Could Be weeknights ika-8:50 ng gabi sa GMA at sa GTV mula Lunes hanggang Huwebes 11:30-12:15AM at Biyernes, 11pm-11:45pm.