Advertisers

Advertisers

DERMALOG HINDI DAPAT SISIHIN NI LTO CHIEF GUADIZ?

0 2,079

Advertisers

Tahasang binatikos ng tagapagsalita ng DERMALOG ang paninisi ni LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) CHIEF ASEC. TEOFILO GUADIZ sa mga kapalpakan ng mga prosesong dapat maisagawa ng kanilang ahensiya.

“Bakit napakabilis na sisihin ni Asec. Guadiz ang Dermalog kahit ang kanilang sariling mga IT consultant at iba pang mga IT vendor ay kasalukuyang nag-iimbestiga sa bagay na ito? Ang LTMS (LAND TRANSPORTATION MANAGEMENT SYSTEM) ay cloud based at web based na katulad ng Facebook at Google basta may internet ka, gumagana ito. Inaanyayahan ko ang publiko na bisitahin ang portal ng LTMS at tingnan mismo, https://portal.lto.gov.ph”” pagpapahayag ni DERMALOG SPOKESPERSON ATTY. NIKKI DE VEGA.

Mga ka-ARYA noong nakaraang Hunyo 22, sinulatan ni DERMALG PROJECT DIRECTOR TILL DUNKEL ang LTO na humihiling na i-activate ang feature ng MVRIS sa pampublikong portal ng LTMS.



Sa liham,nito ay isinulat niya ang.., “One of the key functionalities of the LTMS is the Public Portal which serves as starting point for numerous transactions in LTMS. One of the services that the public portal provides is the MVRIS. However, this key feature has not yet been activated.”

Ipinunto rin ni ATTY. DE VEGA na maaaring iwasan ang mga linya sa mga opisina ng LTO para sa pagpaparehistro ng mga sasakyan.., ang sistema ng LTMS ay handa na magproseso ng mga pagrenew ng sasakyang de-motor online nang hindi na kailangang pumunta sa mga opisina ng LTO gayunpaman tinanggihan ng LTO ang dati nitong kahilingan na gawing available ang feature na ito sa publiko.., kaya naman umaasa ang naturang DERMALOG SPOKESPERSON na muling isaalang-alang ng LTO ang kanilangg kahilingan dahil ito ay magiging komportable para sa publiko.

“The LTO is using several vendors supplying different components for their IT needs. Dermalog is only one of the various vendors. LTO has a different vendors for their internet service provider, firewall, computers, as well as the previous IT provider is still performing certain functions especially under Motor Vehicle Registration as LTO has not ordered the complete migration to LTMS and its long overdue phaseout.
LTO’s IT consultants along with their vendor for their Firewall, Cisco, DICT, Dermalog, and LTO’s various Internet Service Providers are working to identify the root cause of the problem. However, preliminary results point to the cause of the problem stems from certain computers used by LTO (not provided by Dermalog) containing unintended programs clogging the network therefore resulting in slow internet in their offices. Although more time is still needed to confirm,” paglilinaw pa ni ATTY. DE VEGA sa ginawang press conference.

Sa kaalaman ng publiko partikular na ang mga motorista na ang LTMS ay gumagana sa maraming iba pang mga site sa buong bansa lalo na sa 24 na mga pilot site na gawa ng DERMALOG.

Ang LTMS ay nagpoproseso ng mahigit 60,000 transaksyon sa pagpaparehistro ng sasakyan sa isang araw at mahigit 30,000 drivers license kada araw nitong nakaraang linggo kung saan offline daw ang LTO. ., na palaisipan ito kay ATTY. DE VEGA dahil kung talagang offline ang LTMS, ay magkakaroon dapat ng zero na transaksyon sa system sa panahong iyon.



Isang solusyon aniya ay ang pagpapahintulot sa MVRIS sa pampublikong portal ay magbibigay-daan sa mga pag-renew ng sasakyan sa bahay na magreresulta sa mas kaunting linya sa kanilang opisina at higit na kaginhawahan sa publiko. Dapat aniyang gamitin ang LTMS ng LTO 100% at ganap na ilipat ang data base mula sa nakaraang IT provider.

Ang pagkakaroon ng isang sistema ay gagawin din ang mga transaksyon na mas mabilis, mas mahusay at magkakaroon ng mas kaunting mga problema kaysa sa pagpapatakbo ng
dalawang hindi magkatugmang parallel system ayon pa sa paglilinaw ng abogada.

“The slowdowns are not related to the LTMS but to LTO’s internal network and remote PC’s, Dermalog would like to offer your network team an IT-Security workshop with our security experts to sharpen the awareness of MID on security topics,” pagpupunto pa ni ATTY. DE VEGA.

May punto ang DERMALOG.., gayunman, pinakamainam nito ay dapat na harapin ni ASEC GUADIZ ang mga DERMALOG OFFICIALS para maresolba nila ang mga problema at mapabilis ang serbisyo sa sektor ng transportasyon.., yun nga lang, kung desidido si GUADIZ na palitan ang LTO IT PROVIDER (lalo na kung may katransaksiyon na ito).., malamang baka matinding problema na naman ang dadanasin ng nasabing ahensiya!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.