Advertisers
BAMBANG, Nueva Vizcaya – Dalawang estudyante ang dinakip ng mga operatiba ng Bambang Police at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) – Nueva Vizcaya Police Provincial Office ( NVPPO) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 2 ( R02 ) sa buy bust operation sa Sitio Dinili, Purok 7, Barangay Calaocan dito nitong Miyerkules.
Kinilala ang mga naaresto na sina Ram,17 anyos, ng Brgy. Banggot, Bambang; at Marc, 17, ng Sitio Punawa, Brgy. Calaocan.
Sa report, narekober sa dalawa ang mga ari-ariang wallet na naglalaman ng isang pirasong papel na may mga tuyong dahon ng marijuana, at 3 plastic sachets ng shabu.
Ayon sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, ipinaubaya na nila ang kanilang kaso sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at isinasaalang-alang na ang mga nadakip ay menor de edad.