Advertisers

Advertisers

Hepe ng pulis ikinulong ang ‘maling’ suspek

0 297

Advertisers

ILOILO CITY – Kontrobersyal ang isang hepe ng pulisya nang hulihin at ikulong ang isang lalaki dahil sa mistaken identity sa Iloilo city.

Inireklamo ng isang pamilya ang pag-aresto ni Lt. Dionisio Estacio, hepe ng San Joaquin PNP, kay Leogin Sapan.

Ayon sa tiyahin na si Marilou Santerva, ang nasa warrant of arrest ay nasa pangalan ni Lorecito Sapan, suspek sa kasong frustrated murder, nguni’t ang hinuli ng mga pulis ay ang kapatid na si Leogin.



Ayon pa sa tiyahin, may hawak silang court clearance sa Regional Trial Court sa bayan ng Guimbal na nagpapatunay na walang pending criminal case laban kay Leogin na nakakulong hanggang ngayon.

Depensa naman ng inirereklamong hepe na si Estacio, totoo na pangalan ni Lorecito ang unang nakalagay sa kaso bilang isa sa mga suspek ngunit napalitan na ito ng pangalan ni Leogin noong Nobyembre 2018.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Atty. Joseph Celis, director ng National Police Commission (NAPOLCOM) Region 6 dahil sa kontrobersya.

Maging ang pamunuan ng Iloilo Police Provincial Office, ipinag-utos na rin sa hepe na magbigay ng paliwanag sa nasabing isyu.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">