Advertisers
NASAMSAM ng mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group (DEG), Special Operations Unit (SOU 4B) General Trias City Police Station, at Cavite Provincial Police Office-Provincial Drug Enforcement Unit (CPPO-PDEU) ang P6.8 milyon halaga ng shabu sa operasyon, Miyerkoles ng hapon sa Barangay Buenavista 3.
Kinilala ang nadakip na si Alvin Makalay, 29 anyos, tubong Maguindando at kasalukuyang residente sa nasabing barangay.
Sa ipinadalang report ng CPPO sa opisina ni Calabarzon PRO 4A Regional Director, Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., naaresto si Makalay nang makipagtransaksyon ito sa mga otoridad na naglatag ng buy bust at nakuha sa posisyon ng subject ang 17 heat sealed transparent plastic sachet ng shabu na may bigat na isang (1) kilo na nagkakahalaga ng P6.8 milyon, isang 9mm Berreta Firearm (serial number M274.86Z) 2 magazines na may 11 bala, at drug paraphernalias.
Kakasuhan si Makalay ng paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republc Act 9165 (Dangerous Drugs Act Law of 2002.(KOI LAURA)