Advertisers

Advertisers

Susan Papa Novice Swim meet sa Diliman

0 236

Advertisers

TULOY ang sinimulang adhikain ng namayapang Asian Games swimming multi-medalist Susan Papa sa grassroots level sa isasagawang Susan Papa Novice Swimming Championship Age Bond Meet sa Setyembre 17 sa Diliman Preparatory School sa Diliman, Quezon City.

Inorganisa ng Philippine Swimming League (PSL) sa pamumuno ni Alex Papa at sa pakikipagtulunagn ng Victoria Kanlahi Eagles Club, bukas na pagpapatala sa torneo na inaasahang dadagsain ng mga batang swimmers mula sa iba’t ibang swimming clubs, organizations at school teams.

Kabilang sa naunang nagpahayag ng pagsuporta sa torneo na suportado ng Yingfa, Splash N’s Dash, Go Swim, Susan Papa Swim Academy at Tarlac City Waves ang Swim League Philippines (SLP) na binubuo ng mahigit 100 swimming clubs sa buong Pilipinas, gayundin ang Solid Coaches Group.



Ayon kay SLP executive Fred Ancheta, mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga batang swimmers, higit yaong mga nagsisimula pa lamang na makaranas at ma-expose sa kompetisyon upang higit silang magpursige na matutp at magsanay para mapataas ang level ng pagiging kompetitibo.

Sa mga nagnanais na makibahagi sa torneo, makipag-ugnayan sa PSL sa mobile no. 0927-667-1820 o ipadala ang lahok sa tristantabamo 2019@gmail.com. (Danny Simon)