Advertisers

Advertisers

2 KOREAN NATIONAL, INARESTO NG PNP SA P210-M TELEPHONE FRAUD

0 277

Advertisers

DALAWANG Korean national na pinaghahanap din sa kanilang bansa ang inaresto ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection group kaugnay sa P210-million telephone fraud o voice phishing sa Barangay BF Homes sa Parañaque City.

Ayon sa PNP-CIDG, ang mga naarestong Koreano ay kapwa may Interpol red notice sa South Korea bunsod ng kanilang modus na nakapanlinlang ng marami nilang kababayan na umaabot sa 2.8 billion Korean won o higit 115 million pesos.

Hinala ng mga awtoridad na kumikilos ang dalawa sa ilalim ng isang organized crime syndicate at nagkakamal ng limpak limpak na salapi mula sa kanilang mga biktima sa pamamagitan ng pagpapakilala bilang mga opisyal ng bangko o mga nagbebenta sa isang call center.



Napag-alaman naman ng mga otoridad na ang isa sa mga suspek ay pinaniniwalaang “underboss” ng isang criminal group na nag-ooperate ng mga voice phishing call centers sa ilang tanggapan sa Metro Manila na nakakubra ng $3.7 milyon o higit 210 million pesos sa 215 biktima nito sa loob lamang ng anim na buwan.

Nasa kustodiya na ang dalawa ngayon ng Bureau of Immigration (BI). (JERRY S. TAN)